Isa sa mga rason kung bakit dinumog ang katatapos na 5th Cinemalaya Film Festival sa CCP noong Hulyo 17-26 ay dahil sa partisipasyon ng kilalang mainstream actors tulad nina Alfred Vargas, TJ Trinidad, Jackylyn Jose, Julio Diaz, Ryza Cenon, Glaiza de Castro, Che Ramos, Sid Lucero, Tessie Tomas at Dennis Trillo.
Sa pamamagitan nga lang kasi ng independent film festivals muling sumisigla ang nanamlay na pelikulang Pilipino. Sabi nga kasi, bakit pa manonood ng pelikula na napakamahal, kung ang mga teleserye sa libreng TV ay parang pelikula na rin ang produksiyon?
Pero sabi nga rin, sa Philippine showbiz, hindi kumpleto ang pagiging ‘artista’ ng ating mga celebrity ‘pag hindi sila nagkaroon ng movie. Kaya naman, grab na rin sila ng every opportunity tulad nga ng indie films. At ‘eto ang ilan sa kanila na naispatan ng ating kamerang-gala sa nasabing film festival.
Premiere Shots
by Mica Rodriguez
Click to enlarge.