Eighty percent na raw ang posibilidad na sa bansa gaganapin ang susunod na Miss Universe pagent, ayon sa isa sa magiging producer nito na si Narvacan, Ilocos Sur Councilor Chavit Singson.
Ayon nga kay Chavit, “Buo ang suporta ko sa Miss Universe, dahil noong eleksiyon, marami nang nag-o-offer sa iba’t ibang company, pero walang tumatanggap kasi 12 million ang gastos diyan, dollars!
“At nang ako ang kinausap at nakita ko na maganda para sa tourism natin, kasi ang tourism, ang epekto nu’n, ang domino effect, ‘pag maganda ang tourism, ‘pag marami ang turista, darami ang negosyo at mas mapo-promote ang buong Pilipinas.
“So magandang support ito sa administrasyon ni President Duterte. Although, sabi niya, okey pero walang gagastusin ang gobyerno.
“So, nagsama-sama kami lahat ng NGO, ako ang naggarantiya, kaya ako naghahanap ng sponsor. So, hindi totoo na ako ‘yung sponsor. Isa ako sa magpo-produce ng Miss Universe, so kapag nakakuha ako ng maraming sponsor, hindi ako malulugi, pero kung konti lang, malulugi ako.
“Ang maganda, marami naman ang sumusuporta diyan kasi international ‘yan, basta maganda lang ang coordination.
“Well ang nunber one na tutulong dyan ay ang Department of Tourism headed by Secretary Wanda. Kung wala siya, ‘di namin magagawa ito. Although kahit walang gastos ang gobyerno, kailangan pa rin ang tulong nito.
“Lahat ito, almost done, pero siya pa rin ang mag-a-announce kung final na, abangan natin ang announcement ni Sec. Wanda kung final na rito gagawin (Miss Universe). As of now 80 % almost done, so final, ia-announce ni Sec. Wanda.
“Doon din kami interesado, kasi mapo-promote din ang Ilocos at buong bansa natin. All out din ang suporta ni Pia (Wutzbach, Miss Universe 2016) dahil bawat punta ng Ms Universe kasama siya, sa mga meetings namin kasama rin siya.
“Masaya rtin siya kasi siya ‘yung magti-turn over, kaya ‘yung Miss Universe interesado rin sila na rito gagawin. Kaya sila pumupunta rito para alamin kung dito na nga gagawin. All out support sila kay Pia at all out support din sila sa ginagawa namin.
Maganda, lahat ng nakausap ko, maganda naman. May nakuha na kaming grupo, mga yate, malalaki, plane, at bus na gagamitin, nakahanda na lahat para sa Miss Universe.”
Dagdag pa ni Councilor Chavit Sison about sa kumakalat na threat sa pagdaraos na Miss Universe sa bansa, “May banta nga na ganu’n, lahat naman, eh… Lahat ng event, pagpunta ni Pope, ‘yung APEC, may threat palagi. Well nakikipag-coordinate na kami sa Head of Police, nagmi-meeting na kami, ginagawa na nila lahat.
“Pero hindi natin ma-avoid ‘yung ganu’ng threat coming from terorrist. Well kung totoo man o hindi, we take it seriously. Gagawin natin ang lahat ng precaution, gagawin natin.
“Si Secretary Wanda ang mag-a-anounce kung saan gaganapin ang Miss Universe. Kino-consider nila ang Davao, Vigan, Ilocos Sur, Bohol, Cebu siguro. Siguro pitong lugar depende sa aprubado ng security. Well ‘yung Vigan, ‘di ba nanalo siya ng isa sa New 7 Cities of the World, ‘yun ang gusto naming i-promote.
“Kasi ‘yung past administration hindi sila tumulong. So ngayon, tutulong ang gobyerno, ‘yung airport namin hahabaan para sa tourism. Marami kaming turista nabibitin dahil kulang ‘yung airport namin. With new administration with President Duterte, hahabaan nila ‘yung airport para mas marami pa ang makapuntang turista,” pagtatapos ni Councilor Chavit Singson.
John’s Point
by John Fontanilla