[imagebrowser id=401]
WHOA, BUSY na naman tayong masyado. Tiningnan ko ang mga painting ko at nag-retouch ako at gagawa pa ng mga bago. Pagpupuyat hanggang umaga at kapag nagutom ay iinom ng kape at kakain ng mga prutas: papaya, ubas, saging, at kamote habang nakikinig ng music. At kung talagang pagod na at kailangang ma-relax ay manonod DVD films.
Pero hindi lamang pagpipinta mismo ang ating sinosolusyunan, kasi nagsisimula ang pagawa ng painting sa isang konsepto. Isang konseptong dapat kakaiba o bago sa paningin ng art lovers, collectors at buyers.
Ito ay aking ginagawa sa preparation ko sa darating kong art exhibit. Magastos ang isang exhibition. Naroon na unang-una ang mga kailangan mong mga materyales sa pagpipinta. Depende ang budget nito sa medium na dami na kailangan mong gamitin.
Halimbawa sa watercolor, kai-langan mo ang mga papel na angkop sa estilo mo o subject na gusto mong palabasin, mga brushes at pang-papel na akma rito. Posible na ang papel na gamit sa water color ay maging gamit din natin sa pang-acrylic at kung hindi naman, gamitin natin ang acrylic sa canvas gaya ng oil. Kapag oil on canvas naman ay kailangan mo rin ang oil paints, linseed oil, turpentine at bristle brushes, ‘di katulad ng sa watercolor at acrylic. May mga ready-made imported canvas pero kung gusto mong makatipid, ikaw mismo ang mag-prepare nito. P’wede kang bumili ng katsa sa Divisoria at ng kahoy sa lumber para sa gagawing strainer nito. Bibili ka rin ng white paint or ibang acry-colors para sa pang prime ng tela at siguraduhing well-primed ito para ‘di ka mahirapang magpinta at ‘di mag-absorb ang tela ng iyong pintura kapag nagpipinta ka na. Gagawin mo ito siyempre ‘pag naka-stretch na ang tela mo sa bastidor (strainer kung binuo ang frame sa pagpapako at stretcher kung European technology kung saan pinagdudugtong ang frames ng wedges lang at walang pako) na maaari mong pagpilian kung gagamit ka ng adhesive solvent (rugby) or guntacker. Depende ang dimensions o sizes ng canvas sa tema mong nais ipinta.
Sa pagpili naman ng venue na nais mong pag-exhibit-an ay pumili ng accessible sa mga posibleng kolektor at mga client mo. Sa promotion naman, dapat it should be ahead of time, mga isang buwan or ilang weeks bago ang opening dapat ay may posters ka na at invitations. Posible rin ang tarpaulins prints dahil sa mas malaki ito at mas makakaagaw atensyon at curiosity para bisitahin ang iyong show. Ang media exposures ay importante rin gaya ng sa dyaryo at kung susuwertihin, pati sa TV interview at siyempre huwag nating kakalimutan ang paggamit ng Internet kasi maraming tao ang active dito kaya pwede kang gumawa ng online invitations and promotions sa iyong social networking sites.
Kung nais mong may beneficiary ka sa gagawin mong painting exhibition, maaari mo itong gawin sa mas kapaki-pakinabang na beneficiary na alam mong bukod sa legal ay tiyak na makatutulong sa mga taong tinutukoy nito. Halimbawa, kung benefeciary ay ang mga madre na kaila-
ngang maitayo ang kanilang bagong kumbento na mga tumutulong naman sa mga kababayan nating mahihirap. Pero huwag naman nating isipin na dahil sa beneficiary nito ay okay tayo at automatic mabibili ang ating mga obra. Ang pinakaimportante, may tiwala ka sa iyong gagawin at ang talagang obra, ito may konsepto at craftsmanship at may emosyon at identity para matawag na masterpiece.
Ang darating kong show ay binabalak ko palang maging tour exhibition or moving bilang preperasyon naman sa pinaplano ko at darating na The Night of Maestro Orobia and the celebrities.
Samantala makikita ang aking Orobia Art Lessons & Gallery sa 3rd floor ng Market-Market, Global City, Taguig.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comment and suggestions: email. [email protected] cp# 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia