Maraming press people ang nagmamadali na makaalis sa presscon ng “Vince&Kath&James” ng Star Cinema last Tuesday na isa sa walong entries sa 2015 MMFF sa darating na December 25.
Nagmamadali silang makaalis sa venue ng press launch ng pelikula nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte dahil gusto nilang makita at makasama si Nora Aunor na may 2016 MMFF entry na “Kabisera”.
Imbitado ang ilan, pero sa kuwento na nakarating sa amin, mas marami raw ang “gatecrashers” na sa pa-lunch pa lang ng producers, nagkaubusan na ng pagkain (knowing ang mga faney ni Guy, expect the unexpected na marami sa kanila ay hindi invited), at ang maging ang nakagawiang token (read: envelope with datung) ay marami raw ang hindi nabigyan.
What I heard ay meron namang “dats” or token na inihanda sa mga invited na palihim na inabot sa dapat abutan.
Pero dahil mostly mga G.C. (hindi gift certificate kundi mga gaka or gatecrashers) pakiwari nila’y (mga naaabang) waley give na naging running joke ang salitang “breadwinners”, dahil sa iba ay isang supot lang ng tinapay ang natanggap nila (dahill mga gaka nga sila) na may OPM ang producer na to follow na lang ang sobre para manahimik na ang mga hindi talaga imbitado.
Akala ko tapos na ang panahon ng mga gatecrashers (or depende sa event) sa mga kapatid namin sa hanap-buhay.
Pero talked to a legitimate press who writes in a newspaper (sa ABS-CBN Christmas Party), binigyan daw siya ng isang supot ng tinapay habang waiting ang mga invited at hindi invited. Pero on his way out ay inabot sa kanya nang palihim ang sobre.
Rule of the game, kung istorya ang habol mo at hindi ka nabigyan, huwag nang magreklamo. Kapag hindi ka invited, huwag nang mag-gatecrash dahil alam nila, hindi ka nila kailangan sa project na pinapa-presscon nila. Do not insist, ‘ika nga.
Kung gusto mong makatulong sa project, then do it on your own without expecting. ‘Di ba ang sabi nga, “for the love”? Na ang ibig sabihin ay waley. Walang envelope.
Reyted K
By RK VillaCorta