OLA CHIKKA! ISANG napakagandang Lunes sa inyo at lalung-lalo na sa akin, dahil nitong Sabado lamang ay idinaos ang 18th birthday ng aking bunsong babaeng anak na si Ma. Kariz B. Espeña. Isang napakasaya at makabagbag-damdaming selebrasyon na kung hindi dahil sa mga sumusuporta at nagmamahal sa amin ay hindi iyon matutuloy.
Kaya mula sa aking puso ay nais kong magpasalamat sa aking kumareng si Imelda Papin, mga kaibigang sina Carla Varga, Ka Rey Herrera, Direk Elmer at siyempre ang napakabuting si Boy Abunda at sa mga lahat pang naging parte ng debut party ng aking anak… MARAMING SALAMAT!
At doon sa party, naikuwento sa akin ng aking kumare ang pagka-excite sa kanyang nalalapit na concert sa Hotel H20 sa Manila Ocean park na pinamagatang “Imelda Papin Live at the Aquatic”. A fundraising show for free dialysis treatment for the benefit of poor and indigent cancer patients. Makakasama niyang muli si Mommy Dionisia Pacquiao at ang kanilang mga guests na sila Andrew E., Sam Concepcion, Ruby Rodriguez, Niana Meneses, Aikeen Papin, Rey Carpio, Amay B., Jessica Arcilla, Richard Reynoso at marami pang iba!
Sobrang hi-tech ng show dahil first time mangyayari sa Pilipinas na ang background ng show ay dancing water. Exciting, ‘di ba?! Mala-Las Vegas ang dating! Kaya sulit na sulit talaga ang bayad mo dahil hindi ka lang basta nag-enjoy kung hindi nakatulong ka pa!
MARAMI ANG NAGKUMENTO sa aking write-up noong nakaraang Linggo tungkol sa paghahatid ko ng opinion sa pagitan ng TV Patrol at Willing Willie. Nais ko lamang pong linawin na wala akong kinakampihan o pino-promote sa dalawa. Wala akong sinabi na “Panoorin n’yo ang Willing Willie” o “Napakagaling ni Willie”.
Pagkampi ba ang sinabi kong maraming nanonood ng Willing Willie dahil sa dami ng perang pinamumukadkad nila. Hanggang ngayon ay sinasabi kong ayaw ko sa kanya dahil sa hindi niya magandang ugali. Ngunit ang pinupunto ko sa aking write-up ay ang show mismo hindi siya. Subukan n’yo muling basahin ang aking column at isipin kung mayroon akong sinabing kinakampihan ko si Willie.
Sana lamang sa tuwing nagbabasa tayo ay pakiintindi muna nang mabuti, hindi ‘yung basta-basta na lamang tayong nagko-comment at nagbibintang nang walang katotohanan. Simula pa lamang ng aking career, ni minsan ay hindi ako nagpapabayad upang ihayag o i-promote ang isang tao lalo na kung lingid ito sa aking paniniwala. Sa tagal ko na rito sa industriya ng showbizness, wala akong kinampihan na kahit sinong artistang nakikita kong mali ang ginagawa.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding