Prince of Manobo Aljun Cayawan sasabak sa showbiz pagkatapos maging brand ambassador ng Megasoft

Aljun Cayawan with MegaSoft

MALAKING challenge para sa Prince of Manobo na si Aljun Cayawan ang maging isang prinsipe ng kanyang tribo sa Agusan del  Sur at matawag na Datu Agong.

     Marami raw kasi ang naniniwala na wala siyang mararating dahil isa siyang Manobo. Wika pa niya, “I cried but told myself that someday I will make something out of my life because I am a Manobo.”

     Pero unti-unti na raw naiiba ang sitwasyon ngayon sa kanyang buhay. Mula sa pagsali noon sa mga singing contest sa kanyang hometown na-conquer na rin niya ang iba pang national and international contest.

     Naging 2nd runner-up si Aljun sa Mr. Philippines pageant. Nagkaroon na rin siya ng maraming singing engagement in five star hotels at sa mga corporate shows. Nung sumali siya sa 2018 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach California ay naging division champion pa siya.

     Latest achievement ng Prince of Manobo ang maging newest brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products. Kapamilya na niya sa Megasoft sina Myrtle Sarrosa, Young JV at Ryle Santiago.

     Ayon kay Aileen Choi-Go, Megasoft VP for sales, naniniwala sila sa talent ni Aljun at sa advocacy na pinut-up nito – ang Sagip-Katribu — kaya nila kinuhang endorser ang binata.

     “It’s an honor for us to have a world class talent as a brand ambassador especially now that Megasoft is going global. Supporting him is also a way of helping the Manobo Tribe,” sambit niya.

     Samantala, pangarap ni Aljun na maging flight attendant pero ngayon ay  susubukan daw muna niya ang kanyang magiging kapalaran sa showbiz.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleTony Labrusca, walang tutol kahit pagpantasyahan siya ng mga beki
Next articleHINDI SI NORA AUNOR ANG RASON: Onanay, mataas ang rating dahil kay Jo Berry

No posts to display