BUMATI SA amin noong aming kaarawan ang aming kaibigang si Princess Ryan thru Facebook messaging. Kaya kinumusta na rin namin siya. Una naming tanong ay kung ano na ang balita sa kanya? Sumagot naman siya na okay naman daw siya at malapit na raw siyang umuwi. Baka by March daw ay balik-Pilipinas na naman siya.
Bago pa namin siya binitawan sa aming pag-uusap ay muli namin siyang tinanong kung nanganak nga ba siya kaya siya nagtago sa ibang bansa? Ang tanging sagot lang ni Princess, “Pagbalik ko po kuya, marami akong ikukuwento.”
Hay, ano ba talaga, Princess?!
SA THANKSGIVING ng pelikulang The Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, masayang inanunsiyo ni Governor ER Ejercito na nagsisimula na silang mag-reedit at maglapat ng mga panibagong tunog sa kanilang pelikula upang maging angkop ito sa panlasa ng mga banyaga. Balak kasi nilang isali sa iba’t ibang film festivals abroad ang pelikula. Isa nga sa mga dahilan kung bakit sila nagmamadali sa ngayon na ibalik ang mga naputol na eksena ng MTRCB sa movie ay ang nalalapit na pagsali nila sa Cannes Film Festival.
Prestihiyoso ang Cannes Film Festival kaya naman maraming mga producers ang nais makasali sa taunang international filmfest.
Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Governor ER si Dingdong Dantes, laban sa mga batikos na natamo nito sa pagkapanalo bilang best actor noong MMFF awards night. Ayon kay Gov., deserving naman si Dingdong sa naturang pagkapanalo at hindi naman siya ang namili ng award kundi ang mga MMFF jury.
Ibinalita rin ni Gov. ER na nag-text na sa kanya si Direk Tikoy Aguiluz at okay na ulit ang kanilang komunikasyon.
Napapansin lang namin na napaka-humble ni Gov. ER, kaya siguro sinuwerte siya at ang kanyang movie noong MMFF awards night at nakopo nito ang 11 tropeo.
MASAYA NA sana kami dahil unti-unti na ngang kumilos ang ilang internet sites lalo na ang YouTube at tinanggal na nila ang sex video nina Janelle Manahan at Ramgen Revilla. Nakakapangilabot itong mapanood pa dahil paglapastangan na ito sa isang taong yumao at sa isang taong patuloy pa ring nakikipaglaban upang makakuha ng hustisya.
Nagulat kami dahil isang kaibigan namin ang nagsabing wala na nga ‘yan sa mga social networking sites, pero nasa mga porn sites naman ‘yan, katulad ng Xtube. Totoo nga! Nang nag-search kami sa Xtube ay meron pa ngang mga kopya nito ang naka-upload doon. Sana ay matanggal na rin ito sa naturang site, dahil kawawa naman ang mga sangkot na personalidad na hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin ng hustisya sa nangyari sa kanila.
Sure na ‘to
By Arniel Serato