LOLIT SOLIS’S style of hosting can be intimidating yet funny, pero hindi natinag sa kanya si Princess Snell nang sumalang sa Startalk to promote the local franchise of Playboy Magazine kung saan cover siya for the month of August.
As usual, a VTR intro preceded the interview kung saan mariing pinabulaanan ni Princess ang relasyon nila ni Hayden Kho, but owning up to her relationship with a foreign national for a year and a half.
Makaraang umere ang VTR intro, bumangka si ‘Nay Lolit na nag-usisa tungkol sa mga iniuugnay kay Princess, including Manny Pacquiao na minsang natsismis sa kanya. Banat ng TV host, “Bakit ang dami-daming nalI-link sa ‘yo? Pakalat-kalat ka ba sa kalye?” her face half-serious.
Nagpaliwanag naman si Princess, and she acquitted herself well. Dumako na ang usapan sa naturang magazine. Ani Princess, mas dapat daw abangan ang kanyang mga larawan sa inside pages nito more than the front and back covers.
“Classy” ang terminong ginamit ni Princess in describing her poses. ‘Nay Lolit’s co-interviewer Butch Francisco probingly asked, “So, disente?” Hirit uli ni ‘Nay Lolit, at tila sa pagkakataong ‘yon ay seryoso na, “May disente bang nagpo-pose nang ganyan?”
But of course, pinipili rin ng TV host-manager ang kanyang ookrayin. Princess is family dahil bahagi siya ng Da Who? at T! The Tigbaxxx Authority segments ng Startalk.
IT’S JULIAN Ward’s turn as storyteller (as Daisy) sa episode bukas ng One Day Isang Araw titled Yaya Madyikera played by Katrina Halili.
After his wife passed away, naging abala si Daddy Val (Mark Anthony Fernandez) sa kanilang negosyo that’s why his kids Julian Trono, Sabrina Man and Vincent Magbanua are left to the care of their nannies. Kaso, of the many yayas na nag-alaga sa mga bagets, isa roon ang nagmaltrato sa kanila.
Traumatized, the Samaniego kids vowed never to ask their dad to hire yayas ever again. May dalawampung yaya ang kinuha ng kanilang ama para sa kanila, but the kids have succeeded in easing them out of their household.
Pero nag-iba ang ihip ng hangin nang dumating sa buhay ng mga bagets ang odd-looking but extra-ordinary nanny na si Yaya Maxima. Umepal na naman ang mga pasaway kids, terrorizing the new yaya but Yaya Maxima uses her magical powers to tame the kids, thus teaching them the value of respect, obedience, trust and responsibility.
One Day Isang Araw airs every Saturday night on GMA.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III