PAANO PO iyan? Banned ang deployment ng OFW sa bansang pinagtatrabahuhan ng asawa ko sa Africa. Pero ang asawa ko po ay nagtatrabaho sa Shell, isang malaking kumpanya na maayos ang pasuweldo at pagtrato sa mga manggagawa. Paano na trabaho ng asawa ko roon? — Girlie ng Tanauan City
PROBLEMA TALAGA ‘yan. Kamakailan ay tinapos na ng DFA ang certification ng mga bansa kung saan puwedeng magpadala ng mga OFW. ‘Yung mga hindi na-certify ay may ban sa pagpapadala. Sa prosesong ito, ang binigyan ng certification at ban ay ang bansa at hindi ang skill. Unfair ito sa mga OFW na maayos ang trabaho at kumpanyang pinapasukan—tulad ng asawa mo.
May dahilan ang ating gobyerno sa pagse-certify kung maayos o hindi ang isang bansa. Pinag-aaralan nito ang mga batas na umiiral sa bansa, gayundin ang naging trato ng mga bansang ito sa ating mga manggagawa. Kung hindi maganda ang trato, tiyak na ipapataw ang ban.
Ngunti kakaiba ang katayuan ng asawa mo. Maayos ang kanyang kumpanya at maituturing siyang skilled worker. Ang maaari mong gawin ay mag-apply ka ng exemption mula sa POEA. Kahit banned ang bansa, hindi banned ang trabaho ng asawa mo.
Sa tingin ko lang, kung meron mang dapat i-ban, iyan ay ang mga DH o HSW sa Gitnang Silangan, lalo na sa Saudi. Marami na tayong naririnig na reklamo tungkol diyan. Pero hindi rin dapat i-ban ang lahat ng trabaho sa Saudi.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo