NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Nais lang po naming ipaabot ang karaingan naming mga magulang tungkol sa aming mga anak na ga-graduate ng Grade 6. Ang adviser po nila at principal ay naniningil ng P700.00 pero ayaw naman nilang magbigay ng resibo. Iyong walang pambayad ay ‘di po ga-graduate ang bata. Dito po ito sa Jimenez Elementary School sa Capas, Tarlac.
Sumbong ko lang po ang sinisingil na P430.00 ng Sta. Cruz Elementary School sa Antipolo, Rizal para raw sa graduation. Tapos kapag kasama sa Top 10 ay kailangang magbigay ng pera para pang-ambag sa pagkain ng bisita.
Isa po akong taxi driver na concerned parent sa Felipe Calderon Elementary School sa Tanza, Cavite. Nais ko lang pong malaman kung talaga po bang legal ang film showing ng eskuwelahan na nagdaan sa PTA?
Reklamo ko lang po sa Cabotonan High School dahil mayroon po silang contribution na P120.00 para sa expenses sa recognition at kailangan na ang bawat honor student ay may dalahing pagkain para sa mga teacher.
Concerned parent po ako at reklamo ko lang po ang napakaraming pinababayaran sa mga mag-aaral sa Jacinto P. Elpa High School sa Tandag, Surigao del Sur. Katulad na lamang po ng by year level project na P100.00, PTA P250.00, miscellaneous fee P450.00, JS Prom P320.00, at iba pa. Tinatakot pa nila ang mga estudyante na kapag hindi magbabayad ay hindi sila ipapasa.
Irereklamo ko lang po ang Bayabat National High School sa Bayabat Amulung West, Cagayan Valley dahil naniningil sila ng umaabot sa P700.00 para sa mga project.
Gusto ko lang po malaman kung kinakailangan po ba talagang kumuha ng assessment test ang mga Grade 10 ngayon bago mag-move up? Ang hinihingi po kasi sa aming bayad para sa assessment test ay P1,100.00. Dito po ito sa Godofredo M. Tan Memorial School of Arts & Trades sa San Narciso, Quezon.
Isusumbong ko lang po ang grabeng holdapan dito sa Asco Ville, Caloocan City. Sana po ay magkaroon ng polce visibility dito sa lugar na ito para matigil na ito. Kawawa naman po ang mga nabibiktima.
Irereklamo ko lang po ang nagkalat na basura sa Brgy. Balingasa along A. Bonifacio Avenue, Quezon City. Ang eksaktong lugar po ay mula sa Puregold Balingasa hanggang sa Bignay Street. Regular naman po ang hakot ng basura, pero iyong mga nagtatapon ang walang oras ang pagtatapon. Sa gilid ng highway po itinatapon kaya sobrang kalat kinabukasan, dahil kinakalat ng mga nangangalakal at mga hayop na pagala-gala.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo