NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
REKLAMO KO po iyong barangay patrol dito sa amin na nakaparada malapit sa bahay ng barangay chairman dito sa Tanza, Cavite dahil gabi-gabi pong tinatambayan ng mga kabataan. Nakaiistorbo po sa pagtulog ng mga taong may trabaho sa umaga dahil sa sobrang lakas ng kuwentuhan at tawanan nila.
Reklamo lang po namin ang mga tambay rito sa may Brgy. Maybunga, Pasig City dahil may mga nag-iingay, nag-iinuman, at nagbabasag ng bote sa kalsada. Sana naman po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan na magkaroon ng mobile car na umiikot para masita ang mga tambay na ito.
Concerned citizen lang po, idudulog ko lang sana iyong matagal na naming problema rito sa aming lugar. Isa itong videoke na hinuhulugan ng P5.00. Walang oras kung magkantahan ang mga parokyano nila. Madalas ang inuman o sugalan ay umaabot ng magdamagan. Kawawa po kaming mga nakatira rito, lalo na kung panggabi ang pasok sa trabaho at maging sa mga estudyante dahil magpapasukan na ulit. Wala naman pong aksyong ginagawa ang barangay namin.
Isusumbong po sana namin ang DSWD Region XI Office dahil mahigit tatlong buwan na po kaming naghihintay, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming sahod. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Ako po ay isang concerned citizen dito sa Calamba, Laguna at nais ko pong isumbong sa inyo na iyong basurahan sa may Brgy. Bubuyan ay umaabot ang amoy rito sa lugar namin sa Majada, Canlubang. Sa layo po ng lugar namin ay umaabot pa hanggang dito sa amin ang amoy ng mabahong basura na nakasusulasok. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Kami po rito sa Guinayangan, Quezon ay humihingi ng tulong sa inyo upang mawala ang mga illegal na mga mangingisda rito sa Guinayangan at Tagkawayan. Sana po ay matulungan ninyo kami sa lalong madaling panahon. Salamat po.
Hihingi lang po ako ng tulong sa inyo, kasi rito sa LTO sa Palompon, Leyte ay napakamahal ng bayad sa license. Naniningil po ng P3,000.00.
Isa po akong concerned parent, mayroon po akong dalawang anak na pumapasok sa isang public school dito sa Mabalacat, Pampanga. Ngayon po ay naniningil sila ng P500.00 bawat estudyante para maka-enroll dito. Sana po ay matigil na ito.
Ire-report ko lang po iyong problema namin sa LTO rito sa Leyte dahil nagbayad po kami, pero hanggang ngayon ay hindi pa po kami binibigyan ng ID card sa pag-renew ng drivers’ license.
Reklamo lang po namin ang mga kabataan pati ang mga may edad na perhuwisyo tuwing madaling-araw dahil sa sobrang ingay rito sa Brgy. Florante, Biñan, Laguna. May mga tanod naman po, pero hindi sinasaway. Sana po ay mabigyan ng aksyon.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo