Problemado sa Lupa ng Namayapang Ina

Dear Atty Acosta,

 

GOOD DAY po. Isa po ako sa masusugid na nagbabasa ng inyong column. May gusto lang po ako itanong sa inyo. Taong 2008 po noong namatay ang aking ina at iniwan po niya sa aming 2 magkapatid na babae ang tax declaration at titulo ng lupa ng tinitirhan namin ngayon. Sa pangalan po ng aking ina nakapangalan iyong lupa. Ang tanging iniwan niya ay handwritten lang po na sulat na ipinamamahala sa aming 2 magkapatid at sa aming ama ang lupa. Para po siyang special power of attorney. Hindi po kasal ang aming mga magulang. Apat po kaming magkakapatid sa ina at ama tapos may 2 po kaming kapatid sa ina at hindi rin kasal ang ina namin sa ama ng 2 naming kapatid. Ang tanong ko po ay ang mga sumusunod:

  1. May bisa po ba iyong handwritten na sulat na iniwan ng aming ina?
  2. May karapatan po ba iyong 2 kapatid namin sa ina sa lupa?
  3. May kapatid din po ang aking ina na gustong makialam sa lupa, may karapatan po ba sila?
  4. Ano po ba ang dapat naming gawin para maproteksyunan namin ang karapatan sa lupa na iniwan ng aming ina?

Sana po ay mabasa ninyo ang aking liham at mabigyan ng konti ninyong oras para mabigyan ako ng tamang dapat gawin na mula po sa inyo.

 

Lubos na gumagalang,

A

 

Dear A,

 

ISA-ISA nating sasagutin ang iyong mga katanungan.

Ukol sa iyong katanungan kung may bisa ba ang handwritten na sulat na iniwan ng inyong ina, kung saan binibigay niya ang pamamahala ng kanyang lupa sa inyong dalawang magkapatid at inyong ama, ikinalulungkot naming ipaalam sa iyo na ito ay wala nang bisa dahil sa pagkamatay ng inyong ina. Ang pagbibigay sa inyo ng inyong ina ng karapatang mamahala sa lupa ay alinsunod sa Article 1878 ng ating New Civil Code of the Philippines na nagsasaad na:

“Art. 1878. Special powers of attorney are necessary in the following cases: X x x(15) Any other act of strict dominion.”

Ang nasabing karapatang mamahala sa lupa ng inyong ina ay natatapos sa oras ng pagkamatay ng inyong ina alinsunod sa Article 1919 ng New Civil Code na nagsasaad na:

“Art. 1919. Agency is extinguished:

X x x (3) By the death, civil interdiction, insanity or insolvency of the principal or the agent; X x x”

Bago namin sagutin ang iyong pangalawang tanong, dapat mong malaman na dahil hindi kasal ang inyong ina sa inyong ama, kayong apat na magkakapatid ay hindi lehitimong anak ng inyong ina. At dahil hindi kasal ang inyong ina sa ama ng dalawa pa ninyong kapatid, sila ay hindi rin lehitimong anak ng inyong ina. Kung ang inyong ina ay walang iniwang last will o huling habilin, kayong magkakapatid ay may karapatan sa lupang iniwan ng inyong ina alinsunod sa Article 988 ng New Civil Code na nagsasaad na:

“Art. 988. In the absence of legitimate descendants or ascendants, the illegitimate children shall succeed to the entire estate of the deceased.”

Sa kabilang banda, ang kapatid ng inyong ina ay walang karapatan sa lupang iniwan ng inyong ina sapagkat siya ay may karapatang magmana lamang sa kanyang kapatid kung sana ang inyong ina ay walang anak alinsunod sa Article 1003 ng New Civil Code na nagsasaad na:

“Art. 1003. If there are no descendants, ascendants, illegitimate children, or a surviving spouse, the collateral relatives shall succeed to the entire estate of the deceased in accordance with the following articles.”

Bilang mga tagapagmana, maaari na ninyong paghati-hatian ang naiwang lupa ng inyong ina sa pamamagitan ng paggawa ng isang Extrajudicial Settlement of Estate alinsunod sa Section 1 ng Rule 74 ng Revised Rules of Court na nagsasaad na:

“Sec. 1. Extrajudicial settlement by agreement between heirs. – If the decedent left no will and no debts and the heirs are all of age, or the minors are represented by their judicial or legal representatives duly authorized for the purpose, the parties may, without securing letters of administration, divide the estate among themselves as they see fit by means of a public instrument filed in the office of the register of deeds, and should they disagree, they may do so in an ordinary action of partition. If there is only one heir, he may adjudicate to himself the entire estate by means of an affidavit filed in the office of the register of deeds. The parties to an extrajudicial settlement, whether by public instrument or by stipulation in a pending action for partition, or the sole heir who adjudicates the entire estate to himself by means of an affidavit shall file, simultaneously with and as a condition precedent to the filing of the public instrument, or stipulation in the action for partition, or of the affidavit in the office of the register of deeds, a bond with the said register of deeds, in an amount equivalent to the value of the personal property involved as certified to under oath by the parties concerned and conditioned upon the payment of any just claim that may be filed under Section 4 of this rule. It shall be presumed that the decedent left no debts if no creditor files a petition for letters of administration within two (2) years after the death of the decedent.

The fact of the extrajudicial settlement or administration shall be published in a newspaper of general circulation in the manner provided in the next succeeding section; but no extrajudicial settlement shall be binding upon any person who has not participated therein or had no notice thereof.”

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articlePainit na painit na ang laban sa Final 4
Next articleGawad Katapatan (Batch 23)

No posts to display