NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isusumbong ko lang po ang Tatala Elementary School dahil ayaw nila ibigay ang card ng mga bata at ayaw i-enroll ang bata kapag hindi nakabayad ng P100.00 para sa PTA, P100.00 sa electric fan, P100.00 para sa pagpapagawa ng comfort room, at marami pang iba. Kawawa naman kaming walang pambayad. Paano makapapasok ang mga anak namin? Tulungan po ninyo kami.
Nais ko lang pong iparating sa inyo ang paniningil ng Sampaguita Elementary School sa Brgy.175 Camarin, Caloocan. Humihingi po sila ng isang bag ng semento at pambili ng pintura na gagamitin daw sa school. Halimbawa po iyong isang bag ng semento ay paghahatian pong bilihin ng dalawang magulang. Ang ibang teacher naman po ay humihingi ng P50.00 sa bawat estudyante para pambili ng electric fan. Kapag nagbayad na po ang estudyante ay saka nila ito tatanggapin sa school.
Mayroon lang po ako irereklamo na mga teacher. Kasi po in-enroll ko po ang anak ko sa Grade 1 at lahat po ng teacher ay naniningil ng P130.00. Dito po ito sa FA Reyes Memorial Elementary School sa Cabanatuan City.
Isa po akong isang concerned OFW dito sa Saudi, gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo na mapauwi po ang isa nating kababayan. Apat na buwan na po siyang walang sahod at pinabayaan na ng amo niya mula nang magkasakit siya noong January. Pinaaasa lang po siya na pauuwiin, pero hanggang ngayon ay nandito pa rin siya. Ni pangkain ay wala po siya. Sana po ay matulungan n’yo siya.
Irereklamo ko lang po ang isang kubol dito sa lugar namin dahil nasa gitna ng kalsada nakatayo. Ilang beses na po naming inireklamo sa barangay, pero hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon na ginagawa.
Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa pamamagitan ng inyong programa. Problema po kasi naming mga estudyante sa Brgy. Gogon, Caramon, Camarines Sur ay ang nasirang tulay sa pagitan ng Brgy. Daraga at Brgy. Oring. Halos wala nang tulay. Ngayon pong malapit na ang pasukan sana po ay magawa na ito kasi ay malaking kalbaryo ang aming dadanasing mga estudyante sa pagpasok pa lang sa eskuwelahan. Salamat po.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo