KUNG HINDI lang malayo sa akin ang Pasig City, isa na marahil ako a mga attendees sa mga alternative healing na isinasagawa ni Dr. Willy Ong.
Nakilala ko si Dok Willy sa mga television guestings niya noon sa ABS-CBN, weekend morning show na Salamat, Dok at sa programang pang-radio sa DZRH at sa kanyang pagsusulat ng kolum sa Philippine Star.
Personally, I believe in alternative healing na ang nararadaman natin sakit sa katawan ay pwede mawala, maalis at gumaling sa pamamagitan ng alternatibong pamamaaran sa pagkain ng wastong gulay at prutas pati na rin sa malinis na lifestyle.
At the recent media conference ng pakikipag-team-up ni Dok Willy at ang Partylist na Anakalusugan ay iisa ang advocacy ng partido at ng tumatakbong doctor sa senado sa darating na May 13 election.
Ang Anakalusugan at Dok Willy ay nagnanais na gumaling ang bawat Pilipino na mayn sakit na siyang first and foremost priority nila.
Sa partylist on health, mga nominess nila sina dating kongresista Mike Defensor, Ower Andal at Darlo Ginete na makikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan para mapaganda at mapagaling ang mga Pilipinong mayn karamdaman.
Pahayag ni Dok Willy during the open forum sa recent blogcon: “Masarap makatulong sa iilan pero baka makatulong tayo sa mas nakararami, why not. Mas maganda yun. Ito ang purpose ko,” paliwanag niya.
Si Dok Willy ay malaki ang tiwala sa Universal Health Care na tinutukan ni Sen. JV Ejercito (who is running for a seat as re-electionist on May 13) na maipasa at naging batas.
Paliwanag ni Dok: “Unang-una, iyong sa Universal Health Care, kailangang tutukan natin ang budget, na magkaroon tayo ng budget at naibibigay iyong mga libreng check up sa mahihirap, libreng maintenance medicine at laboratory tests. Sa ngayon, tingin ko, baka hindi iyon ang priority nila, eh, kaya nga gusto nating ipaglaban.
Sa kanyang pagko-compute ay umaabot ng almost P36 billion ang magagastos kung may checkup tayo sa 20 million poor Filipinos na P1,800 per year. Maliit lang naman iyong P1,800 per year…CBC, urinalysis, libreng gamot pero may konting ginhawa na iyon pero huwag tayong umasa na sa Universal Health Care, magagamot lahat dahil malayo pa tayo kumpara sa health services ng ibang bansa.
Ang mga magiging mungkahi niya sa isyung pangkalusugan kasama ang partylist na Anakalusugan ay malaking tulong sa mga taga-showbiz industry (pelikula, telebisyon, live performances) at sa mga Pinoy pangkalahatan.
Reyted K
By RK Villacorta