SIPAT: CONGRATS kina STEVEN SILVA at SARAH LAHBATI. Sila ang ULTIMATE SURVIVORS ng STARSTRUCK V.
EKLAT: GOODLUCK na lang sa CAREER nila sa SIYETE…
SIPAT: Sabagay, KAILANGAN ng KAPUSO ng FRESH TALENTS.
EKLAT: TUMATANDA na kasi ‘yung IBA… na WALANG NARARATING ang CAREER.
SIPAT: WALA raw PAKIALAM si JOLINA MAGDANGAL sa mga TUMITIRA sa NEW IMAGE niya.
EKLAT: Hayaan na lang… ang NAGMUMURANG KAMATIS!
SIPAT: KAKAIBA naman talaga ang FASHION SENSE ni JOLINA eversince, in fairness.
EKLAT: MAS BAGAY nga lang nu’ng BATA pa siya.
SIPAT: SINO raw ang MAS SIKAT ngayon: sina MELAI at JASON ng PBB DOUBLE UP, o sina STEVEN at SARAH ng STARSTRUCK?
EKLAT: PAREHO! Ang daming JOLOGS, e.
SIPAT: Uy, may DALAWANG PROJECTS na sina MELAI at JASON sa KAPAMILYA.
EKLAT: Siyempre naman, STRIKE WHILE THE IRON is HOT, ‘ika nga. Kaya WAIT muna ang IBANG TALENTS…
SIPAT: NADULAS si KRIS AQUINO habang NALILIGO. NAUNTOG pa, kaya ABSENT muna siya sa LIMELIGHT ng 3 DAYS.
EKLAT: ‘PAHINGA ka naman kasi, TETAY…
SIPAT: Na-MEET na ni DINGDONG DANTES ang DADDY ni MARIAN RIVERA, pero WALANG PAMAMANHIKANG NANGYARI.
EKLAT: AMININ muna nilang MAGSYOTA na sila.
SIPAT: Naks, sa NEW YORK pa raw nag-DATE sina LOVI POE at RONALD SINGSON.
EKLAT: DATE lang? SURE na?
SIPAT: UMAPELA si RICHARD GOMEZ sa COMELEC sa DISQUALIFICATION niyang TUMAKBONG CONGRESSMAN sa ORMOC. HINDI raw RESIDENTE roon si GOMA.
EKLAT: IBENTA mo na nga ang MAGARANG BAHAY mo sa GREENHILLS, Goma. To PROVE your POINT!
SIPAT: Blind Item: GALIT na GALIT ang INDIE PRODUCER sa ex-SEXY ACTRESS. Nag-ADVANCE PAYMENT ang HITAD, pero IBINIBITIN lagi ang TRABAHO. Dahil BUSY sa CASINO.
EKLAT: Clue: Kahit WALA sa KAPUSO at KAPAMILYA, KONTROBERSIYAL lagi ang ating BIDA.
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service