NAG-LEVEL UP na si Xian Lim sa kanyang showbiz career.
Via the love story on film na Hanggang Kailan? ni Direk Bona Fajardo, hindi lang artista ang binata playing the role of Donnie kung saan isa din siyang producer kasama ang Viva Films at BluArt Productions.
Yes, Xian plays producer of his own film kung saan nag-shooting pa sila sa Saga, Japan to catch the air balloon festival.
Sa katunayan, bukod sa pagle-level-up niya as producer at acting ay director na rin ang binata sa nalalapit niyang Cinemalaya 2019 entry na Tabon. Isa itong suspense-thriller.
Noon pa man ay matagal nang pangarap ni Xian na maging isang producer at film director. Hindi lang sa pag-arte ang hilig niya.
Matapos maranasan makagawa ng isang independent film noon sa Cinemalaya in 2009 (that was 10 years ago), nagustuhan ni Xi ang konsepto na gumawa ng pelikula na hindi lang ang commercial value ang nasa sa isip ng producer kundi ang content or creative aspect ng pelikula (kumita man ito sa takilya or not) for the purpose na maipakita ang creative side ng obra without compromising the artistic side of the film.
“I’ve always wanted to become a producer and director,” sabi ng aktor during the recent media conference of Hanggang Kailan na palabas na sa Wednesday, February 6.
Nang i-offer sa kanya ang pelikulang Hanggang Kailan at pagkatapos niya basahin ang script ng pelikula ay nagustuhan agad niya ang film project.
Sa katunayan, excited siya sa proyekto na masimulan na.
Sa pelikula, isa sa highlights ng first team-up nila ni Louise ay ang passionate love scene na sa description ng mga nakapanood na sa footage ng pelikula, sobrang init daw ang mgaa eksena ng dalawa sa kabila ng sobrang kalamigan ng Japan ng mag-shooting sila doon.
Reyted K
By RK Villacorta