BONGGA ANG BIRTHDAY celebration ni Sarah Geronimo sa ASAP Rocks last month. Kaya lang, bongga rin ang narinig naming tsika about her celebration. Marami kasi ang nadismaya sa inasal daw ng madir ni Sarah.
Tsika sa amin, inuwi raw lahat ng mother dear ng singer ang lahat ng cakes na ibinigay ng sponsors ng dalaga. Ipinasok daw lahat nito sa van ng dalaga ang lahat ng cakes, bagay a ikina-turn off ng mga tao sa nasabing Sunday musical variety show.
At sa dami nga raw ng cakes ay halos hindi na ito magkasya sa van. Ito nga raw si Sarah ay hindi na kompor-table ang pagkakaupo sa kanyang sariling sasakyan dahil sa dami ng cakes na kasama niya.
Sa tingin namin, wala namang masama kung iuwi ng madir ni Sarah ang lahat ng cakes. Para sa anak naman niya ito kaya karapatan niya kung gusto niyang dalhin ito sa kanilang bahay.
Ang kaso lang, nagkaroon ng comparison. Naikumpara si Sarah sa iba pang celebrities na nag-celebrate ng birthday nila sa ASAP Rocks. Halos lahat kasi ng nag-birthday ay pinamigay sa staff and crew at marshalls ang mga regalong cakes ng kanilang sponsors. Nang mag-birthday nga raw si Gary Valenciano ay ibinigay nito sa production people ang lahat ng cakes na gift sa kanya.
Teka, hindi ba’t bawal kumain ng cake si Sarah at baka masira ang kanyang boses?
MALAKI ANG CHANCE ni Geo Ed Rebucas na magwagi sa Pilipinas Got Talent 3.
Aksidente naming napanood sa Youtube ang audition ni Geo where he performed Mariah Carey’s Through the Rain at katulad ng tatlong judges na sina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas at Freddie M. Garcia ay super impressed din kami sa kanyang performance. Near perfect ang version niya ng kantang pinasikat ni Mariah.
Tama ang sinabi ni Ai Ai, ang linis-linis mag-falsetto ni Geo at iba ang hagod sa napakahirap na kantang ito ni Mariah. At
carry niya maski ang high notes. Nakakabilib siyang kumanta.
Tubong Pagadian si Geo at performer siya sa isang comedy bar.
Sa sobrang pagkagusto nga namin sa version ni Geo ng Through The Rain ay halos araw-araw namin itong pinapanood sa Youtube.
Ang maganda sa Pilipinas Got Talent, very raw ang mga discoveries nila. Hindi sila kailangang i-mentor para mag-shine. And that’s what sets the show apart. At ang isa pang maganda sa show, free for all ang laban, meaning, open sa lahat ng gender at basta magaling, siguradong pasok ka.
BLIND ITEM: TRUE bang ang napipintong pagpunta ng isang actor sa ibang bansa para gumawa ng sarili niyang career ang pinag-aawayan nila ngayon ng kanyang syotang celebrity rin?
Hindi yata gusto ng female celebrity na mawalay nang matagal ang kanyang dyowang aktor kaya naman ito ang madalas nilang pagtalunan sa ngayon.
Sikat na sikat pala ang actor sa isang Asian country katulad din ng isang singer na Kristiyano. Gustong samantalahin ng aktor ang pagkakataon na gumawa ng pangalan sa bansang iyon, bagay na hindi yata nagustuhan ng kanyang karelasyon. Kasi naman, it would mean na mawawalay sila nang may kung ilang buwan.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas