HINDI NAMIN alam kung ano ang susunod na teleserye ng isang young actor, dahil ilang production staff na ang aming nakakausap expressing their disappointments sa young actor na ito na hindi nila akalain na lalaki ang ulo porke matunog ngayon ang pangalan.
Ang kanilang reklamo: akala mo raw ay kung sino’ng napakahusay umarte gayong nakakailang takes daw bago maging ‘puede pasar’ na ang kanyang akting.
Baka naman isipin ng kanyang mga fans ay sinisiraan namin siya, huh! Kahit daw ito’y alam ang reklamo sa kanya ng mga katrabaho, dahil kahit sa set ay may attitude problem ito.
Masyado raw itong inggitero. Nariyang humihirit ng sariling dressing room, sariling hair stylist at sariling makeup artist.
“Hindi bale sana kung napakahusay umarte, eh. Waley naman, eh. Nakakalungkot nga kasi hanggang ngayon, ang tagal na rin niyang artista, pero parang wala pa ring improvement.
“Tapos, ‘pag feeling niya, hindi siya nabibigyan ng sapat na exposure, nakasumbong na agad sa manager. Hay, nako, Ogie, ewan ko lang kung gugustuhin pa siyang makatrabaho ng mga tao, dahil sa kaartehan niya sa personal na hindi naman niya nadadala ‘yung tamang arte sa harap ng kamera!”
Sana, makarating ito sa young actor para maisaayos niya agad kung ano ang kanyang problema bago pa siya pagwelgahan ng mga production staff. Hindi pa naman huli ang lahat.
Kung gusto niya talagang lumaki ang pangalan niya eh, samahan na rin niya ng tamang trato sa mga tao at higit sa lahat, mag-advance acting workshop para hindi na siya tawaging “bobonic.”
By Ogie Diaz