BLIND ITEM: KINSA Siya? Medyo ilang taon na ang kuwentong ito pero ‘pag naalala ng aking reliable source ay natatawa na lamang siya dahil diumano sobrang ipinangalandakan ng reality actor na ito ang kanyang pagiging badaf!
Ganito ang kuwento, sa isang TV show, kung saan bahagi bilang host ang reality actor na ito, hindi siya kasing friendly sa kanyang mga co-hosts sa staff. Lagi na lamang siyang nasa sulok ‘pag hindi pa nagti-take, samantalang ang kanyang mga co-hosts ay nakikipagkuwentuhan sa mga crew ng kanilang show.
Kapag briefing naman bago ang take, may-I-listen naman itong si reality actor pero parang wala lang sa kanya. Hindi niya isinasapuso ang mga instructions ng headwriter kaya ‘pag nagti-take na, puro take 3 halos si reality actor. Lagi siyang napagsasabihan ng headwriter tungkol sa kanyang pag-uugali kaya naman hindi sila masyadong magkasundo.
Minsan, nakatakdang mag-taping ang kanilang show sa isang ‘di kalayuang probinsiya. Maaga pa lang, nasa location na ang staff and crew ng show at ang iba pang kasamahang hosts ni reality actor. Halos magti-take na ay wala pa si reality actor. Nang tawagan ng production manager ang reality actor, sumagot daw ito na malapit na siya at dumaan lamang sa school para sa kanyang exam. Nang dumating na si reality actor, sakay ito sa isang magarang luxury vehicle at ipinagmaneho pa ng isang medyo malamyang lalaki. Sweet na sweet ang dalawa at asikasong-asikaso pa ni malamyang lalaki si reality actor.
Dito na natantiya nang headwriter ng show na parang miyembro nga ng ikatlong lahi si reality actor dahil kung makaasta sila ng malamyang lalaki ay parang wala nang tao sa kapaligiran nila. Naku ha?! Wala nang career si reality actor ngayon at minsan sa Facebook nito ay kung sinu-sinong guwapong mga lalaki ang katabi nito sa pictures. Sayang, crush pa naman siya ng karamihan.
AYON SA GOOGLE Zeitgeist 2010, http://www.google.com/intl/en/press/zeitgeist2010/regions/ph.html, maraming mga personalidad mula sa lokal na aliwan, pulitika at palakasan ang napabilang sa most searched sa Google noong 2010 para sa Pilipinas. Narito ang ilan sa kanila:
Fastest Rising People: Jason Ivler; Barbie Forteza; Noynoy Aquino; Justin Bieber; Jang Geun Suk; Anne Curtis; Sam Pinto; Charice; Enchong Dee; Kris Aquino
Fastest Rising Local Newsmakers: Pacquiao; Venus Raj; Aquino III; Jason Ivler; Gibo; Anne Curtis; Villar; Willie Revillame; Kris Aquino; Charice
Fastest Rising Local TV Shows: Agua Bendita; Pilipinas Got Talent; MYX Philippines; PBB Teen Clash; UAAP Season 73; PBA; PBB Double Up; ASAP XV; Wowowee; Rubi
Fastest Rising Local Music Artists: Charice Pempengco; Sarah Geronimo; Jovit Baldivino; Mocha Uson; Francis Magalona; Elmo Magalona; Lea Salonga; Up Dharma Down; Carol Banawa; Urbandub
Para sa iba pang mga kategorya, bisitahin lamang ang site na nakasaad sa itaas. ‘Yun na!
PERSONAL: ISANG MANIGONG Bagong Taon sa ating lahat. Nais kong pasalamatan ang mga taong nagpadala ng kanilang mga regalo sa akin noong Pasko – Nanay Cristy fermin, Ruffa Gutierrez, Sir Elmer Gatchalian, Sir Noel Ferrer, Martin Andanar, Karen Martinez, Geiser Maclang, Summit Media, Gerald Santos and Kuya Rommel, Juicy Family and Omar Sortijas, Paparazzi Family and Jana Manalaysay, Matteo Guidicelli, Derek Ramsay, Jojie Dingcong, Dolly Anne Carvajal, Alex Gonzaga, Shalala, IC Mendoza, Procter and Gamble, Vangie Kua, Direk Pao Aquino, Direk GB Sampedro, Radyo Singko Family and my TV5 Family… Maraming salamat po.
Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.
Sure na ‘to
By Arniel Serato