The Star Magic Circle 2019 are now all set to take on the spotlight!
Para sa selebrasyon ng 27th year ng Star Magic ay ipinakilala nito ang newest and freshest talents para sa 2019 Star Magic Circle.
Ang bagong batch ng talents ay binubuo ng commercial and ramp models, Star Magic workshoppers, acting newbies, a budding host, a “Halik” actor, a political scion, a former boy group member, a young dramatic actress, a grand daughter of a celebrated 50s actress, a “Pinoy Big Brother” hopeful, “The Voice Kids” season 2 alumni and a promising “Eerie” actress.
Lahat sila ay dumaan sa rigorous and necessary trainings in order to be fully equipped for the entertainment industry.
Here are the names of the 8 boys and girls na kasali sa bagong batch ng Star Magic.
Tatlo sa walong lalaki ng 2019 Star Magic Circle ay may recall na ang pangalan. Sila ay sina JC Alcantara na lumabas na sa teleseyeng Halik, Kyle Echarri na napapanood ngayon sa Kadenang Ginto at Javi Benitez na host ng ANC show na Game Changer and Studio 23’s Sports Kidz.
Kasama rin sa 8 boys sina Glen Vargas, na isang former boyband member; Kendru Garcia,
headturner guy na lumaki sa Saipan; RA Lewis, ramp model na look-alike ni Leonardo di Caprio during his younger years; Anthony Jennings, Filipino-British budding actor na isa ring TV commercial model at Jeremiah Lisbo, model and TV commercial model na isa ring basketball player.
Among the girls, ang ilan sa kanila ay nakalabas rin sa pelikula at telebisyon tulad ni Gillian Vicencio at Aiyana Waggoner na parehong naging part ng pelikulang Eerie.
Pasok din sa promising batch sina Belle Mercado na galing sa Goin’ Bulilit at kasama sa pelikulang Danztep at Sa Isang Sulok ng mga Pangarap; Arielle Roces na isang morena beauty at commercial model; Melizza Jimenez na isang singer-actress at Sophie Reyes na grand daughter ni Paraluman at anak ng aktres na si Rina Reyes.
Wish namin na magningning ang mga bituin ng mga talentong ito at huwag lumaki ang kanilang ulo once magkapangalan na sila.
La Boka
by Leo Bukas