INAABANGAN NA ang tatangha-ling kauna-unahang Best Actor at Best Actress sa pinakabongga at pinakamalaking reality artista search sa bansa, ang Artista Academy na magaganap sa Grand Awards Night sa Oct. 27 sa Smart Araneta Coliseum.
Sino kaya kina Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Mark Neumann, Chanel Morales, Shairma Mae, at Sophie Albert ang tatanghaling Best Actor at Best Actress at tatanggap ng tumatagingting na P20 million in cash and prizes.
Sa nasabing gabi, magpapatalbugan sa hatawan sa dance floor, kantahan at aktingan ang 6 na estudyante ng Artista Academy na dapat daw abangan ng mga manonood. Dahil grabeng paghahanda raw ang inihanda ng mga ito para mapaganda ang kani-kanilang inihandang production numbers.
At nang tanungin ang 6 na finalists ng AA kung bukod sa kanila, sino sa mga kasama nila ang malaki ang chance na manalo, 3 ang pumili kay Vin, habang 2 naman kay Akihiro at isa kay Mark; samantalang 3 naman ang pumili kay Sophie, 2 kay Shaira at 1 kay Chanel.
SOBRANG KASIYAHAN para sa Fil/Canadian singer/beauty queen na si Gina Damaso nang tanggapin ang kanyang kauna-unahang award hatid ng Who’s Who In The Philippines Award 2012 bilang Most Promising Female Performing Artist na ginanap sa AFP Theater last Oct. 21, 2012.
Kasabay nitong nabigyan ng award sina President Benigno Aquino Jr., Mr. German Moreno, Hon. Imelda Romualdez Marcos, Hon. Manny Pacquiao, Ms. Korina Sanchez, Vice-President Jojo Binay, Rev. Renato Carillo, Hon. Cynthia Villar, Jojo Alejar, Ms. Pilita Corrales, Ms. Imelda Papin, Jake Vargas, Teejay Marquez, Jestoni Alarcon, UPGRADE, atbp.
“I can’t believe that I’m receiving this award. I feel like a whole lifetime worth of work is finally paying off and this is just the beginning.
“Sobrang saya ko, kasi this is my 1st award here in the Philippines, kaya naman sobrang thankful ako sa mga taong nasa likod ng WWP.
“I definitely have so many people to thank for this award. First and foremost God of course, without whom I would have nothing, he has constantly provided, from big things to little things even when times I believe I didn’t deserve it.
“Next of course my parents Beth Watson and Zeke Damaso for teaching me to be the person I am today and for blessing me and encouraging me in all my endeavours, I love you both very much.
“ A big thanks to my very supportive family both here and back home. To Tito Edgar Sulit and Tito Jamm Rodriguez for encouraging me in coming here in the first place; for Mutya, who taught me how to carry myself with pride and confidence.
“I really love it here in the Philippines, so I thought why not stay and try my luck here in the Philippines. I feel very at home here and feel very accepted by the people here.
“I very much plan on trying showbiz here. So far the experience has been very exciting if not challenging in some aspects because it’s so different from back home,” pagtatapos ni Gina.
NAGULAT ANG karamihan nang ang mismong Tween star na si Hiro Magalona ang nagbuko sa sarili na isa siyang anak ng Hapon na siyang sumusuporta rito financially. Pero lately raw, hindi na niya tinatanggap ang suporta para raw sa katahimikan ng kanyang pamilya.
Ayaw na lang ni Hiro na maging issue ito sa kanyang kinagisnang ama at ito rin daw ang wish ng kanyang pamilya. Pero wish ni Hiro na makita ang kanyang amang Hapon na matagal-tagal na rin naman niyang hindi nakikita simula nang magbinata siya, tanging sa litrato lang daw ni Hiro nakikita ang ama at nakakausap naman through chat.
Excited na nga rin daw ang kanyang Japanese father na makita siya at proud nang malaman nitong artista na siya rito sa Pilipinas.
John’s Point
by John Fontanilla