KUNG ANG mga mommy at daddy natin na product of 60’s ay tinatawag na Baby Boomer at Generation 80’s naman sila ate at kuya. Papahuli ba tayo? Siyempre, hindi. Tayo kaya ang pinakasikat sa lahat, Batang 90’s yata ‘to!
Batang 90’s ka kung na-experience mo ang lahat ng ito:
- Bago ka pumasok sa school, nanood ka muna ng Sineskwela, Mathinik o kaya Hiraya Manawari. Kung minsan nga assignment pa ito nila teacher.
- Napasayaw ka na ng Ocho Ocho, Pamela One, Angelina, Asereje, Tsokolate at ang pinakasikat sa lahat, ang Spaghetti Pataas at Pababa sabay sigaw pa ng Get Get Out mala-Sex Bomb.
- Kinanta mo na sa Karaoke ang Itsumo, Hit Me Baby One More Time, Someday We’ll Know, Let’s Get Loud at mga kanta mula sa bandang Hale, Southboarder, MYMP, Callalily, at ang hit na hit na bandang Parokya ni Edgar!
- Hindi ka puwedeng matulog sa hapon nang hindi mo napanonood ang mga favorite anime TV shows na Naruto, Dragon Ball Z, Street Fighter, Hunter X Hunter, Slamdunk at ang all time favorite na Voltes 5 na kahit theme song na may Japanese na lyrics ay memorize pa rin.
- Ang favorite cartoon characters mo ay sina Mojako, Doraemon, Mirmo at hindi si Spongebob.
- Kung babae ka, ginaya mo ang mga hairstyles ni Jolina na kay raming abubot sa buhok, may butterfly, may flowers.
- Bago ka pa maging KathNiel fan ngayon, minsan din sa buhay mo, kilig na kilig ka sa tambalang Jolina at Marvin, Kristine at Jericho, Juday at Wowie, Juday at Piolo at Claudine at Rico.
- Paboritong kainin ang MikMik, Sweet Corn, Clover bits, iced gem, yak baby at ang ostiya candies.
- Naglalaro ka ng tagu-taguan, agawan base, tumbang preso, bump sack, pick and split, one by one, 10 – 20, at langit lupa na hindi puwedeng mag-umpisa ang laro nang ‘di kinakanta ang “Langit lupa impyerno in in impyerno saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis ka muna diyan sa puwesto mo”.
- Tuwing Pasko, nangangaroling ka kasama ng friends mo at gumagawa pa ng improvised tambourine mula sa tansan.
- Hindi iPad, iPhone o laptop ang past time mo kundi pogs at tex. Minsan pa nga ay gagamba o’di kaya’y salagubang.
Kay sarap nga namang balikan ang mga alaala na ito. Hindi mapapantayan ng kahit ano ang saya natin sa ating mga kinagawian noon. Kung ang hawak-hawak ng new generation kiddos ngayon ay mga nagmamahalang iPad at cellphone, dapat mas maging proud pa tayo dahil kahit sa mga simpleng bagay tulad ng tex, pogs at chinese garter, naging masaya na tayo. Be proud! Tatak 90’s ‘yan!
Para sa inyong mga kuwestiyon o komento, maaaring mag-email sa [email protected]
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo