WALA PO bang programa ang gob-yerno para sa mga kamukha ko na nagbalikan na rito? Ang habol po namin ay hindi lang kami matulungan ng gobyer-no kundi kung paano pa kami makatutulong sa pag-ahon ng ating bansa. – Lavern ng Digos City
ANG OWWA ay may Reintegration Program para sa inyo. Ang mga detalye nito ay natalakay ko na sa mga nakaraan kong kolum.
Para rin sa iyong kaalaman, ang pamahalaan ay nagtayo rin ng Re-Placement and Monitoring Center o RPM. Ito ay itinatadhana ng batas para mabilis na muling makaugnay ng mga balikbayan ang lipunan at para mapadali ang inyong pagsali sa local job market.
Kasama sa programa ng RPM ang pagpapaunlad sa mga proyektong pangkabuhayan para sa mga balikbayan at may kooperasyon sa mga lokal na pribadong sektor.
Tungkulin din nito kung paanong ang mga kahusayan at skills na natutunan ng mga OFW sa ibang bansa ay mapakikinabangan sa Pilipinas. Kaugnay nito, nagtayo ang pamahalaan ng computer-based information system para mairekord ang iba’t ibang kasanayan sa labor pool para matunghayan ng mga potential employer.
Bahagi rin ng programa na magbigay ng pag-aaral at training sa mga balikbayan.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo