Pulis-Angeles, na-starstruck kay Mark Anthony Fernandez; ‘di napigilang magpa-picture

 alt=

Mark Anthony Fernandez with Angeles City policewomen (photo courtesy of Facebook: Nathan Hachero Azarcon)
Mark Anthony Fernandez with Angeles City policewomen (photo courtesy of Facebook: Nathan Hachero Azarcon)

Na-starstruck ang dalawang babaeng pulis ng Angeles City Police Office kay Mark Anthony Fernandez, kaya’t tila nalimutan nila ang suot na uniporme at ang pagkakatiklo ng kanilang mga kabaro sa aktor dahil sa pagdadala ng isang kilong marijuana. Ang ending: ang selfie (o groupie) nila kasama ang aktor na viral ngayon sa social media.

Sa ulat ng Inquirer noong Miyerkules, October 5, sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na bagama’t ‘di niya nagustuhan ang ginawi ng kanyang mga tauhan, naiintindihan naman niya ito.

“Personally ako, I don’t like that picture because as law enforcers, na-starstruck ka pa rin sa isang criminal offender. Meaning, ‘di ba hinuli siya? He’s a suspect and ngayon magpa-picture ka pa du’n?” ani Dela Rosa.

Gayunman, sinabi rin niyang, “On the other hand, naintindihan ko naman ‘yung aking mga policewomen, dahil nakalimutan siguro nila na sila’y police. Parang na-overwhelm lang sila, nakalimutan lang nila na sila’y police. Nangingibabaw siguro sa kanila ang kanilang pagka-movie fan, siguro. Or pagkadalaga or pagkababae, na nakita nila ‘yung aktor na magandang lalaki, na nagpapa-selfie sila.”

Paglilinaw pa ni Dela Rosa sa kanyang pahayag, “I both hate that picture, at the same time, I understand.”

Nag-aalala lang daw si Dela Rosa sa sasabihin ng publiko na double standard ang pulisya pagdating sa nahuhuling ordinaryong tao at celebrity.

“Baka sabihin nila that there is a double standard sa policing at law enforcement na ginagawa natin. Sa ordinaryong drug user or pusher, e, saksak agad doon sa selda. E, ‘pag itong artista, e, nagpapa-selfie pa ‘yung mga pulis,” aniya.

Isasangguni raw ni Dela Rosa sa Internal Affairs Service ng PNP kung mayroon mang nalabag na batas ang dalawang babeng pulis.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleSexy starlets Sabrina M at Krista Miller, walang special treatment sa kulungan
Next articleMr. World 1st runner-up Fernando Alvarez, gustong subukan ang local showbiz

No posts to display