Puro paniningil sa eskuwelahan!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Ilalapit ko lang sa inyo ang tungkol dito sa classroom ng anak namin dito sa San Jose, Montalban, Rizal dahil wala pong ilaw at electric fan. Tapos kamakailan ay nagpatawag ng meeting ang teacher ng anak ko at humingi po sa aming mga magulang ng tulong para kami na raw ang magpagawa ng ilaw at magbigay ng electric fan. Hindi naman po ako sang-ayon sa ganoon kasi dapat po ay may budget diyan ang DepEd. Nasaan po ang budget nila para roon sa pagpapaayos ng silid-aralan? Sana po ay matigil ang paniningil nila sa lahat ng public school.

Isa po akong concerned parent dito sa Palca Elementary School sa Tuao, Cagayan. Reklamo ko lang po ang pinapagawa ng principal dito na required na ang every grade ay nagpapa-bookbind ng libro. Itatanong ko na rin po, ‘di ba dapat may ibinibigay na libro ang DepEd para sa mga estudyante? Bakit wala pong napupunta para sa eskuwelahan ng anak namin. Gumagastos kami ng libu-libo sa pagpapa-bookbind para sa mga libro ng mga bata.

Reklamo ko lang po ang Hagonoy East Central School sa Hagonoy, Bulacan kasi ayaw nilang ibigay ang mga card ng bata dahil may utang pa raw ako na P230.00 para sa janitorial ng school. Sana po ay maaksyunan.

Isa po akong concerned citizen dito sa Davao City, isusumbong ko lang po na hindi ko makuha ang mga card ng anak ko sa school dahil may babayaran daw po na PTA, janitorial, at kung anu-ano pa. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Itatanong ko lang po kung bakit hindi ibigay ng guro ang card ng anak ko kasi may babayaran pa raw na P600.00 sa P.E., public school naman ito. Dito po ito sa Tenement Elementary School sa Western Bicutan, Taguig. Pakiaksyunan naman po.

Reklamo ko lang po itong Quiricada Street corner Jose Abad Santos at Rizal Avenue, partikular na po malapit sa Abad Santos. Ang dami po kasing mga nagtitinda sa kalsada at mga sasakyang naka-park. Halos wala nang madaanan kasi naharangan na nila.

Isusumbong ko lang po na rito sa South Cembo, Makati ay hindi pa rin naipatutupad ang curfew. Mismong sa harap ng multi-purpose hall ay magdamag na may nag-iinuman na mga kabataan. Wala man lang sumisita.

Gusto ko lang po ireklamo ang basketball court sa gitna ng kalsada sa lugar namin. Kung gagamit ka ay naniningil sila ng P100.00 per hour. Dito po ito sa Brgy. Pinagkaisahan sa Makati City.

Dito sa Brgy. Sineguelasan along Evangelista Highway sa Bacoor, Cavite ay matagal nang may ginagawang kalye at hanggang ngaon ay hindi pa rin tapos. Grabeng traffic po ang idinudulot nito at sobrang perhuwisyo sa mga estudyante at mga nagtatrabaho.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleViva Boss Vic del Rosario to the rescue kay Sarah Geronimo:
“Paano mabubuntis? Eh, virgin pa ‘yun!”
Next articleKiray Celis sa halik ni Enchong Dee: “Grabe siyang humalik!”

No posts to display