Pusali at Bituin

ITO ANG titulo ng una kong short story na nalathala sa Liwayway Magazine. Dekada ‘70. Ang story ay tungkol sa dalawang bi-langgo na sabay tumingin sa labas mula sa rehas ng kanilang piitan. Una’y tumi-ngin sa ibaba at nakita ang putik; ang pangalawa’y itinaas ang mata sa langit at namalas ang mga bituin.

Umaga ng Biyernes ng Hulyo nang humahangos ang aking Auntie galing sa ‘sang palengke sa Pandacan, Manila, iwinawagayway isang sipi ng Liwayway. Sabay sigaw: “Dito na pinagpuyatan mo, blow out, ha?”

Walang pagsidlan ang aking kaligayahan. Buong araw at gabing binabasa ko ang published story at pinagmamayabang sa aking mga kaibigan at kapit-bahay. Maya’t maya’y sinasambit ko: Writer na ako. Salamat sa Diyos, writer na ako. Sa eskuwela, pinapurihan ako ng mga guro ko sa pamamahayag. Ang pangulo ng kolehiyo ay dagling inimbita ako sa isang masarap na tanghalian.

Kung tama ang tanda ko, P20 ang bayad sa akin ng Liwayway. Halagang hinati-hati ko sa aking Ina at Tatay, tiya at kapatid kasama na ilang kaibigan.

‘Yun ang dekadang pinamamahalagahan ng mambabasa ang mga nobela at istoryang Pilipino. Panahon din ng kasikatan ng komiks. Pilipino, Lagim, Batman, Kenkoy. Mga ilang pangalang sikat sa komiks. Ilan sa pangunahing manunulat ay Nemesio Caravana, Mars Ravelo, at V. Conching. Sa radyo/drama, topnotchers ang Gabi ng Lagim, Kuwentong Kutsero, Prinsipe Amante, at Sebya Mahal Kita.

‘Yun din ang dekadang kainitan ang pagmamahal sa wikang Pilipino. Ingles ay second language lang. Ang balagtasan ay kainitan ng kumpetisyon. Harana ay sikat pa noon.

Ewan ko kung bakit napakasarap magbalik-tanaw sa nakalipas. May dulot na saya at hapdi. Ngunit masarap namnamin.

Sinunod ko ang ginawa ng ikalawang bilanggo sa aking istorya. Sa naging paglalakbay ko sa buhay, minabuti kong laging tumingin sa kalangitan ng mga bituin. Magdasal. Manampalataya. At umasa.

Kahit madilim at mapanganib, napakaganda pa rin ng buhay. Kagaya ng aking alagang Jasmin sa aking hardin, laging namumulaklak. Kagaya ng aking tanim na bayabas, laging namumunga.

SAMUT-SAMOT

 

FUNDS ENTRUSTED by rich Filipinos to their fund managers have doubled in just three years, amounting to at least P3.8-T as of last year. BSP Gov. Amado Tetangco, Jr. said despite the “gloom and doom” around the world, the outstanding volume of assets managed under a fiduciary arrangement has significantly increased. Of the total assets managed by the trust industry, P2.7-T were managed by banks and other financial institutions.

ANO BA talaga ang real score sa pag-iibigan ni Angel Locsin at Philip Younghusband? Sweet pa ba o getting sore? Samantala, kapansin-pansin ang long-running romantic episode sa pelikula ni Angel at John Lloyd Cruz. Wala bang namamagitan sa kanila? Isipin din natin ang cultural gaps ni Angel at ni Philip. Maaaring deterrent ito sa kanilang successful marriage.

HAS KC Concepcion finally moved on? Tila yata. Kamakailan may mga daring pictorials sa isang sikat na home magazine. Maigsi ang buhok at labas nang kaunti ang boobs. Palaban na. Payong kapatid: Don’t change your conservative image to spite somebody. What happened could be a blessing in disguise. Just move on.

ANO MANG klaseng paliwanag, nagdulot pa rin ng malaking kahihiyan sa bayan ang maybahay ni Sen. Lito Lapid. Sinadya ba o dulot lang ng katangahan? Napakahigpit at efficient ang justice system sa U.S. Mahina ang limang taong kulong pag si Mrs. Lapid ay na-convict sa dollar smuggling.

MAHUSAY ANG performance ni Sen. Tito Sotto as Majority Floor Leader. Very conscientious at dedicated legislator. He deserves another term. ‘Yun lang, sa kasalukuyang impeachment trial, maraming nakakapansin sa kanya raw unbecoming moustache at goatee. Para raw ‘di disenteng tingnan for a senator-judge. Nagkamahalan na ba ng blade o labaha?

TILA MAY kaunting kukote si Sen. Anthony Trillanes III. Pinagtiyagaan ko siyang pakinggan sa isang interview sa impeachment. May sentido common ang obserbasyon niya tungkol sa SALN at direct to the point. ‘Di siya kagaya ng ibang nagbabakbakang mana-nanggol sa trial. Paikut-ikot. Ang tuwid, binabaluktot. Ang baluktot, tinutuwid. Kaya napakagulo ng mundo. May over-supply ng abogado.

DASAL KO na mapagpatuloy ang tradisyon ng Santacruzan. Nu’ng kabataan ko sa San Pablo, ang Santacruzan sa Mayo ang pinanabikan kong alaala. Unang araw pa lang ng buwan, pinaghahandaan na namin ang okasyon. Mga dalaga’t binata sa neighborhood ang pasimuno. Pagtayo ng kubol at altar ay pinagtutulungan ng lahat. Sa sampung gabi ng prusisyon o libot, napakagiliw pagmasdan ang mga parol at imahen ng Mahal ng Birhen sa gitna ng nagkikislapang kandila at ilaw habang inaawit ang “Dios de Salve”. Sana’y ‘pagpatuloy ang tradisyon.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleReview Center o Recruiter?
Next articlePaano makipag-ugnayan sa PAO?

No posts to display