ASK KO lang po kung ang Hong Kong Visa or any visa ay puwedeng i-transfer to other person if in case kinancel mo ‘yong visa na para sa ‘yo? ‘Yong case ko po kasi, hindi ko tinuloy ‘yong application ko sa Hong Kong as DH dahil hindi po pumayag ang agency ko na bawasan nila ‘yong 85K na placement fee na hinihingi nila sa akin at sa kabila ng sinabi ko na alam kong dapat walang placement fee ‘yong DH dahil ‘yon ang regulasyon ng POEA. Pero dumating na po ang visa ko. At ang ginawa ko ay nag-file ako ng complaint sa POEA laban sa agency ko for overcharging of placement fee at sa tingin n’yo po ba me pag-asa pa akong mabawi ‘yong 10K na naibigay ko na sa agency bilang commitment fee kahit meron na akong VISA? (Naibigay ko po yong 10K no’ng time na hindi ko pa alam na meron palang regulation ang POEA na walang placement fee ang DH). – Lady Gi ng Tanauan City
ANG VISA ay personal sa taong naisyuhan nito. Hindi ito transferable kaya hindi ito puwedeng ilipat sa ibang tao.
Tungkol naman doon sa naibayad mong pera para sa placement fee, maaari mo itong i-refund o mabawi. Mula’t mula ay illegal na ang koleksyon nito at hindi ito naging ligal kahit pa naisyu na ang visa mo. Bawal ang maningil ng placement fee para sa DH at kung pahintulutan man ito, ‘di ito dapat lumampas sa isang buwang suweldo.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo