PATULOY ANG pagtabo sa takilya ng pelikulang Enteng Ng Ina Mo nina Bossing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na nananatiling numero uno sa bilangan ng mga entries sa MMFF. Sa pinakahuling tala, umakyat sa ikalawang puwesto ang Segunda Mano nina Kris Aquino at Dindong Dantes at naungusan ang dating nasa 2nd slot na Ang Panday 2 nina Sen. Bong Revilla at Marian Rivera. Kung tutuusin, tila hindi nakatulong sa ilang pelikulang kalahok ang mga intriga at usaping kinasangkutan ng kanilang mga bida, o sinumang kasali sa pelikula, para pasukin ng mga manonood ang kanilang entries. Ilang araw na lang at malalaman na ang final result ng taunang MMFF. Samantala, narito ang official figures ng MMFF entries mula December 25 hanggang January 1 mula sa executive committee ng MMFF: 1. Enteng ng Ina Mo – P183,213,717.35, 2. Segunda Mano – P94,629,812.45, 3. Ang Panday 2 – P86,316,624.55, 4. My Househusband: Ikaw Na! – P42,587,787.58, 5. Shake Rattle & Roll 13 – P41,935,473.35, 6. Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story – P31,781,973.55, 7. Yesterday Today Tomorrow – P7,359,070.85. Makahabol pa kaya ang Panday 2 o tuluyan na silang ilalampaso ng Segunda Mano? Abangan!
Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi WiresBy MK Caguingin
Parazzi Chikka
Parazzi News Service