MULING MAGKASAMA sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak sina Kim Chiu at Xian Lim na unang kinakiligan ang tandem sa My Binondo Girl. Kasabay ng kanilang pagbabalik-tambalan ay muli rin nabuksan ang romantic issue tungkol sa kanilang dalawa.
Ano na ba ang latest kina Kim at Xian? “Mas naging close kami ngayon. Si Xian, sumasama siya sa amin ngayon since kaunti lang friends niya from showbiz. Sabi niya, loner siya,” kuwento ni Kim.
Kumusta naman ang panunuyo ni Xian kay Kim? Balita kasing bongga kung magregalo si Xian. Hindi ba’t ayon na rin kay Maja Salvador, mistulang may-ari raw ng flower shop si Xian dahil laging nagbibigay ng bulaklak kay Kim. “Siyempre lagi ko namang sinasabi, I will always be here to make this girl feel really special. If she needs a helping hand or [an] open ear, I will be here.”
Aminado rin si Kim na feel niyang special siya sa binata kasi he treats her family well. Noon daw nagpunta si Xian sa Cebu ay gusto niyang dalawin ang lola ni Kim. Gusto rin nitong pumunta sa bahay nila Kim dahil gusto niyang makikain.
Sinabi ni Kim na puwede na siyang magmahal ulit dahil two years na ang nakalilipas since she was in a romantic relationship. Biro niya, kaunting effort pa ni Xian.
Madalas makatanggap ng mga regalo at sorpresa si Kim galing kay Xian. “’Pag umaalis siya ng bansa, may pasalubong siya sa akin. Iyong gift niya na wala namang okasyon, iyong bag na pink, iyong Prada bag, sabi ko ‘anong meron?’ Wala lang. Mga two months ago si-guro [iyon].”
Paliwanag ni Xian na gusto niyang malaman ni Kim na palagi siyang naiisip nito. “[It] doesn’t matter kung anong binigay mo as long as naisip mo siya.”
Dahil sobrang close sila ay marami tuloy ang nag-iisip that they are more than friends. Are they now taking their friendship to the next level? “Pinapangunahan pa kami ng ibang tao pero wala na kaming magagawa kasi iyon ang gustong sabihin ng mga tao. Basta sa amin dalawa, alam namin ang nangyayari,” sabi ni Kim. “Masaya naman kami kung ano kami. And bahala na kung kailan maging kami or anuman. Tingnan na lang natin. Mas mahirap kasing magtrabaho kung magjowa kayo.”
Dagdag pa ni Xian, “Let them think what they want to think. Kung papangunahan nila, mahirap naman palagi na i-explain ang sarili.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda