EXCITED ang pamilya nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang bunso nilang kapatid na si Harlene Bautista ang nalalapit na paguwi ng kapatid nila na si QC Councilor Hero Bautista mula sa pagka-rehab nito sa isang undisclosed rehabilitation facility outside of Metro Manila.
Ayon sa kuwento ni Harlene over lunch last Saturday with some entertainment press sa kanilang Salu Retaurant (located at the corner of Sct. Torillo and Sct. Fernandez na super sarap ng food (near Tomas Morato in QC); happy si Harlene sa outcome ng treatment ng kanyang Kuya Hero.
“Pwede na siya lumabas,” kuwento ni Harlene sa amin.
Kung maaalala pa, nagpa-treat sa isang drug facility si Hero nang makita sa random testing na isinagawa ng QC Government sa kanilang mga opisyales na may traces na substance sa kanya na last year.
Pero ang maganda sa kaso ni Hero, nang maging stable na siya ay pinapayagan na siya ng rehabilitation facilities na lumabas (in the company of some facility’s security personnel) para dumalo sa weekly meeting ng Quezon City Council kung saan konsehal siya sa area kung saan kami nakatira.
“He is allowed to attend his meeting and do his obligation as a counselor. Every Monday ay dumadalo siya. It’s his fourth Monday(today) sa July 3 pero pagkatapos balik ulit siya sa facility after ng meeting,”masayang pagbabalita ni Harlene.
Sayang, wala si Mayor Herbert last Saturday at nasa London for convention. Pero sa magandang balita sa nakakabatang kapatid, syempre happy ito sa magandang kaganapan sa kapatid.
Reyted K
By RK Villacorta