QC vice-mayoralty candidates Aiko Melendez at Babes Malaya, kakalampagin ang Comelec!

ACCOMPANIED BY THEIR lawyer, humarap sina Quezon City Councilors (after all, they’re still in office) Aiko Melendez (District 2) at Babes Malaya (District 4) sa ilang miyembro ng media – hindi para kuwestiyunin ang pagpoproklama sa nakalaban nilang si Joy Belmonte in the vice mayoral race – upang kalampagin ang Comelec hinggil sa mga umano’y discrepancies sa election returns (ERs) vis a vis statistical information na pinanghahawakan nila.

Statistical improbability ang anila’y lantarang isyu rito. As in the case of Aiko who belongs to the largest district in the city, and has served as councilor for three straight terms, imposible raw na iilan, kundi man bokya siya sa mga presintong subok nang balwarte niya. Same goes for Babes, who even showed us a list of voters in a particular barangay na nagpapatunay na siya ang ibinoto ng mga ito, gayong hindi ito tumutugma sa mga ERs.

Before Aiko and Babes could say any further, nilinaw nila na tanggap naman nila ang proklamasyon ng kanilang katunggali, pero dapat daw ay malaman ng kanilang mga taga-suporta kung saan napunta ang kanilang mga boto.

Worse, “We felt we were erased from the map of Quezon City,” pahayag ng dalawang konsehala as though pinagmukha silang non-entities whose three-term public service ay basta na lang nabalewala.

Babes, to further prove her point, made a serious reference to a tipster mula umano sa Smartmatic na siya umanong nagtimbre sa kanya ng diumano’y pagiging “pre-measured/pre-programmed” election results ilang araw bago mag-eleksiyon as to having participated in the allegedly anomalous rigging against his will.

This is not to say, however, na either si Aiko or si Babes ang talagang nanalo sa pagka-bise-alkalde. Pero hiling nila’y patas sana ang nakaraang eleksiyon, to think na ipinagbabanduhan pa mandin ng Comelec na wala itong dayaan dahil automated na nga and without human intervention.

Because of this astounding discovery, hindi lalampas bukas, Biyernes, at idudulog ng kampo nina Aiko at Babes sa Comelec ang pagkakaroon ng recount, at the very least, sa sampung porsiyento lang in their respective districts upang ma-validate lang ang bilang ng mga boto nila base sa ERs if such statistical data are accurate.

Samantala, kasamang dumating ni Aiko ang kanyang “honey” na si Bulacan mayor-elect Patrick Meneses. Dahil nga raw sa suporta ng kanyang dyowa kung kaya’t hindi na nanamnam ni Patrick ang kanyang pagkapanalo.

MASASABING NAKATALA NG kasaysayan ng malakihang pagtatanghal ang recent concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum, dislodging nga ba Sarah Geronimo na may hawak ng all-time high records doon? Kaya sa mga nagkakalat na mahina raw ang ticket sales ng concert ni VG, you make check the figures with the Araneta staff. Nagkaubusan pa nga raw ng mga tickets, ‘noh!

Just as the producers including Joed Serrano are still basking in the success (their biggest ever sa larangan ng pagpoprodyus), pinaghahandaan na ang repeat nito sa Cebu. Naki-hitch nga ang inyong lingkod sa sasakyan ni VG a night after, still in disbelief sa tinamong tagumpay. “Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng katawan,” sey ng alaga ni Ogie Diaz.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJamby et al, Kakasuhan ng Comelec: 60 ‘HOCUS PCOS’ nasa Senado na
Next articleInterview with Sizzling Hot Andrea Del Rosario

No posts to display