SIGURADONG susugurin ng mga movie addicts ang ilan sa mga sinehan ng Kyusi para suportahan ang Quezon City International Film Festival o QCinema na mag-uumpisa sa darating na October 19 hanggang October 28, 2017. Maliban sa ilang critically-acclaimed movies mula sa iba’t ibang bansa, meron din Circle Competition na kinabibilangan ng mga promising filmmakers ng bansa.
Isa sa interesting movies sa line-up this year ay ang “The Ashes and Ghosts of Tayug 1931” o Dapol Tan Payawar na Tayug 1931. Maituturing na isa itong regional at historical movie tungkol kay Pedro Calosa, na isa sa mga folk heroes sa Pangasinan partikular sa bayan ng Tayug.
Ang pelikula ay mula sa panulat at direksyon ng Pangasinense filmmaker na si Christopher Gozum, na nakagawa na rin ng mga short and full length films with Pangasinan as his main backdrop.
Umiikot ang istorya sa isang babaeng filmmaker na babalik sa bayan ng Tayug, Pangasinan pagkaraan ng mahabang panahon para umpisahan ang kanyang film project. Pupuntahan niya ang mga lugar na pinangyarihan ng infamous uprising of 1931 sa pangunguna ni Pedro Calosa.
Pamilyar ba ang pangalang ito? Maaaring naririnig ito ng ilan sa mga taga-Norte, pero hindi natin siya lubusang kilala o kung anuman ang naging contributions nito lalo na sa mga manggagawa na taga-Pangasinan. Sana sa pamamagitan ng pelikulang ito ay mamulat tayo sa ilan sa mga ‘unrecognized’ heroes ng ating kinalakihan na probinsya.
Fe GingGing Hyde plays the role of the filmmaker. Ang gaganap na batang Pedro Calosa ay si Cedrick Juan, na isa sa mga budding indie film stars natin ngayon. Huli siyang napanood sa MMFF 2016 entries na Die Beautiful at Oro. Ang gaganap naman na mas nakakatandang bayani ay si Perry Dizon. May special participation rin si Soliman Cruz bilang F. Sionil Jose, na matagal-tagal na rin natin hindi napapanood sa big screen.
Narito ang screening schedule ng The Ghosts and Ashes of Tayug 1931:
SCREENING SCHEDULE
10/20 9:00PM Trinoma (Gala)
10/21 9:00PM Galleria
10/22 3:30PM Gateway
10/22 8:30PM Galleria
10/23 1:30PM UP Town Center
10/23 6:30PM Trinoma
10/24 8:30PM Gateway
10/25 8:30PM Gateway
10/26 4:00PM Galleria
10/27 9:00PM Galleria
10/28 8:30PM Gateway
Suportahan natin lahat ng pelikulang kalahok sa QCinema Film Festival 2017!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club