Queenie Padilla, binastos ang manager?!

THIS STORY IS another example of a business manager-talent relationship gone sour.

Queenie Padilla signed a contract with Joey Aquino’s office para ito ang kanyang maging official business manager.

Bongga ang first project ni Queenie, dahil nagkaroon agad siya ng regular show sa channel 2, ang Momay, kung saan kumita siya ng less than a million sa isang season nito, bukod pa sa mga side rackets na naibibigay sa kanya ng kanyang manager.

We would also like to stress na si Queenie rin ang official endorser ng Page Jeans International kung saan nakapaskil ang kanyang mga litrato sa billboard all over the metro.

While eating in a resto sa isang mall, nagulat ang manager dahil nagkakagulo ang mga tao. May dumating daw na artista sa event ng isang apparel. His curiosity triggered him to be nosy and asked the madlang pipol kung sino ang artistang pinagkakaguluhan.

“Si Queenie Padilla po. Kasama po kasi siya sa isang event ng isang apparel!” Sabi sa kanya ng kanyang napagtanungan.

Shocked and upset! ‘Yan naman ang ini-expect nating mararamdaman ng isang talent manager kung saan kasama lang niya si Queenie a couple of hours ago, not knowing na pupunta pala ito sa isang event na itinago sa kanyang manager, and to top it all, tinanggap pa ng dalaga ni Robin Padilla ang isang raket sa kalabang apparel.

Confrontation between the manager and the talent ensued kung saan ang balita namin ay hindi nakasagot ang dalaga. We also learned na ten percent lang pala ang kinukuhang komisyon ng kanyang manager na hindi masyadong kalakihan sa nakaugalian nang thirty percent. Kaya ngayon, ibinebenta na ng manager ang kontrata kay Queenie in exchange for her freedom, kung hindi na siya masaya sa pangangalaga ng kanyang current manager.

Cleary, with this story, e, puwede na nating sabihing hindi iginalang ni Queenie ang kanyang manager pati na rin ang current brand ng apparel na kanyang ineendorso ngayon.

We all know kung paano manindigan ang kanyang amang si Robin at kung paano ito rumespeto sa mga tao, kaya we doubt kung ito-tolerate ng action star ang ginawa ng kanyang anak. At ngayong “for sale” na ang kontrata ni Queenie sa kanyang manager, bilhin kaya ito ni Binoe?

WALA PANG LUMALABAS na balita pero may nagparating sa amin na gumagawa na ang GMA-7 ng isang programa na mala-Glee ang dating, using the production of Joy Cancio’s Focus Entertainment.

Nagte-train na raw ang mga dancers ni Mother Joy in preparation kapag nakuha na nila ang go signal ng GMA-7’s higher-ups para sa TV musical project na ito.

Ewan lang namin kung magbabago pa ang isip ng GMA-7 executives ngayong ang result ng Idol sa Channel 2, na isa ring musical TV program, e, hindi masyadong nag-fare nang maganda sa TV ratings.

Pero ang Dos, iba naman ang pinaghahandaan.

We learned from talent managers na on going ngayon ang audition na supposed to be, e, exclusive lang sa mga Star Magic bagets na pasok sa 15 to 18 year-old age bracket para sa isang pang-araw-araw na programa na mala-That’s Entertainment naman ang dating.

Nope! Hindi po ito pralala ng magkabilang network, pero ito ang kanilang mga experimental projects na gagawin in the near future, ayon na rin sa kanilang mga insiders at kung magki-klik ito… ’yan ang aabangan natin.

‘NGA PALA. PARA sa mga bagets na gustong maging endorser ng Page Jeans International at maging member ng Page Exclusive 3 ng Galaxy Records, 14-20 years old, at kapag humarap sa salamin, e, guwaping at maganda, go na kayo agad today, Friday, sa Page Office at tumawag sa 2182780 for details.

Ano pa ba ang wine-wait n’yo, tingin na sa salamin and go!!!

For reactions, please e mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleSing & Dance na Young Actor, Bagsak-Presyo sa mga Bading: Mula 60K, 2K na Lang!
Next articleLuis Manzano, ‘di pa rin binabalikan ni Angel Locsin

No posts to display