The country teems with famous showbiz clans gaya ng mga Gutierrezes, Padillas, Salvadors, Cruzes at Eigenmanns na hindi matatawaran ang husay pagdating sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw. Para bang nang magsabog ng biyaya ang langit ay sinalo na nilang lahat.
Queenie Padilla belongs to the young generation of Padillas. Una siyang nakilala bilang “Anak ni Idol Robin Padilla” pero ngayon ay unti-unti na siyang kumakawala sa anino ng kanyang ama. She is now bent on making her own name in showbiz.
As the eldest daughter, istrikta pero mapagmahal na ate si Queenie sa kanyang mga kapatid na sina Kylie, Zhen Zhen at Alih. Sinabi ni Kylie na inaako raw ng kanyang ate ang kanilang mga kasalanan para hindi sila mapagalitan. “Gusto po niya na mag-aral muna ako bago mag-showbiz. Sabi ko naman ay puwedeng pagsabayin iyon. Puwede ako mag-home study. Ayaw po niya kasi gusto niya makatapos muna ako sa Australia. ”
It seems like Queenie cannot avoid the call of showbiz. Wala namang masama dahil may K si Queenie. At 18, she is a beautiful young lady. Tiyak ding marunong siyang umarte dahil galing siya sa angkan na tinitingala sa showbiz pagdating sa pag-arte.
Bata pa lang daw ay kinakitaan na ng hilig sa pag-aartista si Queenie. Her lola, Mommy Eva Cariño, revealed, “Silang magkakapatid, nagvi-video sila. Siya ang direktor, iyong dalawa ang artista. Kung minsan ay siya naman ang artista. At saka sinasabi na nila noon pa lalo na ni Queenie na talagang hilig niyang mag-artista.”
At sino pa ba naman ang mauunang magbibida tungkol kay Queenie kundi ang kanyang Daddy Robin? “Kahit action, comedy, drama ay handa po ang anak ko na iyan dahil bata pa lang iyan ay nag-aral na ng pagdidirek iyan.”
Kung handa na si Robin na mag-artista ang kanyang panganay ay handa na rin ba siya sa mga manliligaw kay Queenie? After all, she is already 18 years old. Always a protective father, isang nakakatawang pagbabanta ang sinagot ni Robin, “18 years old na po ang anak ko. Malulungkot naman ako kung sa kagandahan niya ay walang manliligaw sa kanya. Mali naman yata iyon. Paalala po roon sa mga manliligaw, ako po’y galing sa Bilibid. Sanay po tayo riyan.”
When asked for a message, Robin said, “Maging matibay ka lang, mahal kong panganay. Anuman ang dumating, lagi kang ngingiti. Lahat ng tao, pagsilbihan mo. Enjoy lang. Huwag mong problemahin ang mga nangyayari sa paligid mo. Enjoy life.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda