TULAD NG inaasahan, everytime na hindi magwawagi ang ating kandidata sa alinmang beauty pageant, “luto” o may dayang naganap ang kaagad na sinasabi ng mga kapwa nating Pinoy, lalo na’t ang Miss China ang nanalo ngayong taon.
Katulad na lang ng katatapos na Miss World 2012 na ginanap sa Ordos, China at napanood sa TV5, kung saan nagwagi ang mismong host ng nasabing pageant, ang Miss China na si Wen Xia na siyang kinoronahan ni Ivian Lunasol Sarcos (Miss World 2011) ng Venezuela Miss China bilang Miss World 2012 noong Sabado ng gabi. First runner-up si Miss Wales (Sophie Moulds), at 2nd runner-up si Miss Australia (Jessica Kahawaty).
Samantala, pumasok naman sa Top 7 Finalists ang mga kandidata mula sa Brazil, India, Jamaica at South Sudan. Habang ang kinatawan ng Pilipinas na si Queenierich Rehman ay pumasok sa Top 15. At kahit ilang araw na rin ang nakalipas, ‘di pa rin humihinto ang ilang mga Pinoy sa pagpo-post sa FB at Twitter ng kanilang nararamdaman sa pagkapanalo ni Miss China na siyang host country. Lutong Macao raw at ang isa sa naluto nga raw ay ang ating kandidatang si Queenierich. ‘Yun na!
GUSTO RAW makita nang personal ni Zendee Rose Tenerefe ang boxing champ na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao para mapasalamatan. Kahit daw sa telepono lang ay gusto niya itong makausap para magpasalamat sa tulong na ginawa nito sa kanya.
Sobrang saya habang ikinukuwento ng YouTube Sensation at tinaguriang Random Girl na si Zendee ng General Santos na may invitation siya mula sa kampo ni Ellen DeGeneres para i-feature ang kanyang buhay.
Kaya naman daw any days from now, tutungo sa Amerika si Zendee kasama ang kanyang mommy para mag-guest sa sikat na show ni Ellen na siya ring nagbukas ng pinto para mapansin ng buong mundo si Charice.
Isang tao raw na nais pasalamatan ni Zendee ay ang Pambansang Kamao dahil ito raw ang nagpaaral sa kanya sa kolehiyo at lagi siyang pinakakanta sa mga events nito sa GenSan. Hindi raw siya nahihiyang sabihing si Manny ang nagpaaral sa kanya kung kaya’t nakatapos sa kolehiyo.
ISANG MALAKING tagumpay ika-33 anniversary presentation ng Eat Bulaga noong Sabado. Dalawa at kalahating oras na non-stop entertainment ng longest running variety show on Philippine television na walang commercial, kahit isang damakmak ang nakikiusap na maglagay ng ads sa show na iyon.
Ito’y isang pasasalamat ng TAPE Productions sa mga loyal televiewers ng Eat Bulaga for 33 years at marami pang taong dara-ting. Sa nakikita namin, marami pang henerasyon ang tututok sa Eat Bulaga na bukod sa Indonesia ay namamayagpag sa iba’t ibang bansa through GMA Pinoy TV.
Kaya naman kahit ilang beses na rin itong tinatapatan ay hindi pa rin naman ito napababagsak ng mga pilit na tumatapat dito, dahil ang Eat Bulaga ay mistulang isang pagkaing lagi nang nakahain sa hapag-kainan ng mga Pinoy, isang pagkaing masarap na lagi mong babalik-balikan at hindi kasasawaan.
John’s Point
by John Fontanilla