Para kay Quinn Carrillo na isang fast-rising screenwriter, boldest film niya ang Showroom na siya rin ang sumulat at streaming na ngayon sa Vivamax.
Ang pelikula ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Carlo Obispo na katatapos lang manalo ng pelikulang The Baseball Player bilang best film sa 2022 Cinemalaya Independent Film Festival.
“I don’t usually do this kind of film. But since ako naman ang nagsulat, super trusted ko si Direk Carlo na maaalagaan ako, so I agreed to this,” ani Quinn sa ginanap na private screening ng Showroom na pinagbibidahan din nina Rob Guinto at Kit Thompson.
Habang kinukunan ang kanyang masesealang eksena sa Showroom ay ni-request daw niya na paalisin sa set ang inang si Len Carrillo na co-producer ng Showroom.
“Para kasing unethical naman kung habang kinukunan yung scenes, nanonood yung parents mo. So, it’s better na yung work-related lang o kailangan lang sa set, yon po ang pinakukulong ni Direk,” kuwento niya.
Naikuwento rin ni Quinn na pinagalitan siya ni Direk Joel Lamangan sa ginawa niyang paghuhubad sa Showroom. Last na daw yon dapat.
Well, tama nga rin naman kasi sa status niya ngayon bilang screenwriter ay dapat hindi na siya masyadong naghuhubad sa pelikula.
Sa totoo lang, napakataba ng utak at malikot ang imahinasyon ni Quinn kaya nakakasulat siya ng mga pelikulang kakaiba ang tema. Imagine, bukod sa Showroom, si Quinn din ang writer ng pelikulang Biyak, The Influencer at ng controversial Metro Manila Film Festival official entry na My Father, Myself na mapapanood sa Dec. 25.