HINDI kailanman inisip ng Belladonnas front girl na si Quinn Carillo na liability ang kanyang pagiging kulay kayumanggi o brown-skinned. Proud na proud si Quinn sa kanyang kulay na namana niya sa inang si Len Carillo.
“I am proud of my color. This is who I am at hindi ko ito ikinakahiya,” pagmamalaki ni Quinn na katatapos lang mag-celebrate ng kanyang 21st birthday.
Never din daw siyang nainggit sa ibang mga babae na maputi ang kulay tulad na lang ng mga kasamahan niya sa Belladonnas.
“Naniniwala po kasi ako na lahat tayo ay may sariling individuality. Kung ano yung ibinigay sa atin, dapat nating tanggapin. Hindi tayo dapat ma-insecure sa iba. What’s importante is kung paano mo dalhin ang sarili mo,” katwiran ng dalaga.
Maging sa modeling world ay very much in ang mga babaing brown ang skin tone. Very rare kasi sila but they are truly unique and beautiful.
Dumating na ba sa point na na-discriminate siya sa mga showbiz attempts niya because of her color?
“Wala naman po akong na-experience na ganun. Yung iba nga po very appreciative pa sila na ganito yung kulay ko. Tinatanong nila ako kung totoo ba itong kulay ko kasi ang ganda-gand daw.
“At saka naniniwala po ako na wala naman yan sa kulay ng skin natin. It all depends sa kung ano yung kaya nating gawin,” rason ni Quinn.
Samantala, naging malaking usapin sa social media ang tungkol sa kulay ng skin ng mga Pinay nang lumabas ang isang billboard ng whitening soap na ang tag-line ay “para maging favorite ka ng iyong boss, dapat ay maputi ka.”
La Boka
by Leo Bukas