MALAPIT NA ngang matapos ang Round 2 ng UAAP Season 78 Men’s Basketball at kahit tila mga last 3 o 2 games na lamang ang natitira sa bawat unibersidad, tila marami pa rin ang pu8wedeng mangyari na talagang Unpredictable Season ngayon para sa UAAP at masasabi na ang bawat kaganapan ay Tumitindig at Sumusulong talaga.
Matapos manalo ng Ateneo Blue Eagles noong isang araw kontra sa UP Fighting Maroons, siguradong pasok na sila sa Final 4. Pero sa araw ring iyon nang natalo ng UE Red Warriors ang UST Growling Tigers ay tila may chance pa ang Ateneo para sa ikalawang spot sa UST Growling Tigers upang mag-gain ng twice to beat advantage. Sa ngayon, ang FEU Tamaraws ang nangunguna sa standing at siguradong may twice to beat advantage na.
Natalo ng UE Red Warriors ang UST Growling Tigers sa final score na 91-77 at nananatiling buhay ang tiyansa para sa UE para sa 4th spot ng Final 4. May tatlong games pa ang UE laban sa Adamson Falcons, Ateneo Blue Eagles, at ang hindi natuloy na game dahil sa bagyo noong October 18, ang laban kontra sa UP Fighting Maroons. Marami ang pagdaraanan para sa Final 4. magtagumpay kaya ang UE Red Warriors para sa kanilang road to the Final 4?
Ang dami pang puwedeng mangyari, isa na nga riyan ang posibleng maagaw ng Ateneo ang 2nd spot sa UST, at ang race para sa 4th spot. Sa ngayon ay nasa 4th spot ang La Salle, pero hindi pa rin secured ang puwesto nila dahil nandyan ang NU Bulldogs, at humahabol ang UE Red Warriors. Ang DLSU ay may tatlong games pa na pagdaraanan, ito ang mga laban kontra sa Ateneo, aarangkada muli sa round 2 ang Ateneo-La Salle rivalry, kung saan ang DLSU ang nagwagi noong round 1 na may final score na 80-76, itong round 2 kaya ay magwagi muli ang La Salle Green Archers o babawi ang Ateneo BLue Eagles? May laban sila kontra UP at FEU. Ang NU naman ay may last 2 games, ito ay laban kontra UP at FEU. kung ating titingnan ay maraming puwedeng maging resulta,tulad ng ‘pag naipanalo ng La Salle ang lahat ng game, maaaring sila ang manatili sa 4th spot o kaya kapag natalo ng isa ang La Salle, maaaring maka-tie nila ang NU o UE, kapag sakali ay matalo ang dalawang game ng DLSU at matalo rin ng isa ang game ng NU at UE maaaring magkaroon ng triple tie para sa 4th spot, pero maaaring i-base ng UAAP sa quotient rule. Marami man ang maaaring scenario ang maganap, pero nakae-excite at nakakakaba rin na abangan ang mga susunod na mangyayari sa mga games na natitira.
Sa ngayon, ang standing ng bawat team ay nangunguna sa first spot ang FEU 10-1, sumunod ang UST 9-3, ADMU 8-4, DLSU 5-6, NU 5-7, UE 4-7, UP 3-8 at ang AdU 2-10. Sino kaya ang pupuno sa huling puwesto sa Final 4? Sinu-sino ang maglalaban sa semis? Sino ang maglalaban sa Finals at makamit ang championship title? Abangan natin ‘yan dito sa UAAP Season 78 “Tumitindig, Sumusulong”.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo