MARAMING SHOWBIZ personalities, mapa-telebisyon man o recording ang sumubok para maging part ng hit musical na Miss Saigon sa ginanap na audition sa Opera House, mula sa Kapuso at Kapamilya Network. Nand’yan sila Rachelle Ann Go, Frencheska Farr, Aicelle Santos , Rita De Guzman, Angeline Quinto, Ciara Sotto, Aicelle Santos, Karylle Tatlonghari, Tippy Dos Santos, Cathy Aranza, Laarni Lozada, Sitti Navarro, atbp. After 26 years, ginanap dito ang audition, kung saan unang nakuha ni Lea salonga ang role na Kim.
Pero anim lang sa kanila ang pinalad na makapasok sa finals, at ang dalawa dito ay sina Rachelle Ann at Frencheska.
Samantalang ang ilan sa mga nakapasa ay mga theater actors, kaya naman kaabang-abang kung sino sa mga ito ang makakapasa para sa pagpapalabas muli ng Miss Saigon sa susunod na taon.
DEADMA NA lang daw ang isa sa lead actress ng Pahiram ng Sandali na mapapanood mamaya sa GMA Primetime kapalit ng Coffee Prince na si Max Collins sa mga taong umiintriga sa kanya at nagsasabing second choice lang siya sa inaabangang soap. Ang role na kanyang ginagampanan ay intended kay Kylie Padilla na nag-backout dahil ‘di kinaya ng powers nito ang maseselang eksena.
Tsika nga ni Max na hindi naman daw issue sa kanya kung second choice lang siya sa serye, ang mahalaga raw ay sa kanya napunta ang proyekto. Kahit nga raw pangatlo, pang-apat o panglima siya sa choices para sa isang proyekto, okey lang sa kanya, dahil ang mahalaga daw ay may proyekto siya at ‘di nababakante.
Depende naman daw kasi ‘yun sa magiging performance niya, kung deserving ba siya sa ibinigay na project. Kaya naman daw 100 % ang ibinibigay niya sa kanyang newest project sa Kapuso Network, lalo na’t ito ang kauna-unahan niyang pinagbibidahang soap after Coffee Prince, kung saan kontrabida ang kanyang role.
MASUWERTE ANG Tween star na si Rhen Escano dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa Kapuso Network, kung saan ang bago nitong show ay ang Paroa, Lihim ng Mariposa na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio .
Tsika nga ni Rhen sa taping ng Walang Tulugan With The Master Showman, kung saan isa ito sa regular cast, na pahihirapan niya raw nang husto rito si Barbie. Thankful nga raw ito sa pamunuan ng GMA 7 sa pagbibigay sa kanya ng dire-diretsong trabaho.
Kung sa mga nauna raw nitong show like Tween Hearts at Sana’y Ikaw Na Nga, atbp. ay maldita ang kanyang role, dito raw sa Paroa ay super maldita siya, at talaga namang kaiinisan ng mga manonood. Aapihin niya raw nang husto rito si Barbie, kaya naman daw naka-ready na ito na maraming fans ni Barbie ang maiinis sa kanya. Pero okey lang daw ito kay Rhen, dahil trabaho lang naman daw ito na wish niyang maintindihan ng mga manonood.
VERY THANKFUL ang young actor na si Kristoffer Martin at napasama siya sa Pahiram ng Sandali dahil makakatrabaho niya ang ilang bigating artista sa showbiz like Lorna Tolentino, Christopher De Leon, Sandy Andolong , Mark Gil, atbp.
Excited na medyo kabado si Kristoffer dahil first time daw nitong makakatrabaho ang mga artistang kasama niya sa nasabing soap. Alam daw nitong marami siyang matutunan sa mga ito lalo na kung sa acting ang pag-uusapan.
Willing daw si Kristoffer na makinig sa mga magiging payo ng mga award-winning actors na kanyang makakatrabaho. Bukod sa Pahiram ng Sandali, mapapanood din siya every Sunday sa Party Pilipinas at dalawang pelikula naman ang kanyang natapos, ang Basement at Sossy Problem na intended for Metro Manila Film Festival 2012.
John’s Point
by John Fontanilla