Rachelle Ann Go: Don’t Cry Out Loud

SEARCH FOR A Star Ultimate Champion. Si Rachelle Ann Go, better known as Shin or Shin-Shin. Nang 11 taon pa lamang ay sinubok din niyang lumahok sa Eat Bulaga. She took up BS Business Administration in San Beda College and became Ms. San Beda 2004. Pinasikat niya ang mga awiting ‘Love of My Life’ at remake ng ‘Don’t Cry Out Loud’ noong July 2004.  Nanalo naman siya ng Silver at Best Song Award sa Shanghai Music Festival noong November 2004. Sa TFC (The Filipino Channel) naman ay personal itong nag-“I Love You” sa kanyang naging first boyfriend na si Christian Bautista. At starting from being a Kapuso, lumipat siya sa Kapamilya Network, at ngayon ay balik-Kapuso siya bilang kasama sa Party Pilipinas.

Hi Rachelle, ilang years ka nang kumakanta? “Ah… simula pa po ng bata.” Hehehe! Napapatingin sa akin si Rachelle. Nabigla yata sa tanong kong walang kamalay-malay. “Dito po sa industriya, siguro mga pitong taon na po.”

Kumusta naman, mga ilang concert na ‘yung ginawa mo? “Concert po? Hindi ko na po maalala, pero marami-rami na rin po. Tapos may tour rin po.”

Parang sa isip niya siguro, ano ba ang mga pinagsasabi nito, bagito ‘ata ‘to, hehe. Na-scan mode baga ang nasa-isip, haha! Ano ang mga memorable na mga kinakanta mo? “Ah, marami na po. Kasi marami naman pong pagkakataon na pumili ng ikakanta, mga paborito ko.”

Ah, mabuti ‘di ako iniiwanan sa ere, hahaha! Tiyaga ba? Baguhin natin ang style. Ah, kumusta ang lovelife mo? “Ngayon? Wala!”

Parang sinabi, ‘ano ka ba, wala’. Kulitin natin. Lahat ng artista ganu’n naman ang sinasabi eh, tungkol sa lovelife. Natawa na siya tuloy. “Ah, iba-iba naman ‘yan. Eh, kami ni Yeng nagkataong parehas kaming single, eh. Pero masaya kami.”

Na single? “Oo naman.” Sabay ngiti baga.

Kunwari nagmarunong pa ako. Bilang artist, ano ang mas nararamdaman n’yo, ‘yung mas feel ba n’yo ‘yung parang alone, parang nasasaktan ng konti, tapos du’n mo ibubuhos ‘yung emosyon sa pagkanta? “Ah, depende po ‘yan.”

O, rock ‘n roll? “Eh kasi, hindi naman ibig sabihin ‘pag single eh, alone, ‘di ba? Minsan, kadalasan ‘pag single ka mas nararamdaman mo ‘yung kaligayahan.”

Ah, ‘yung kaligayahan, parang mas ramdam mo siya, mas mae-elaborate mo s’ya sa kanta. Kumbaga sa pagpipinta mas nalalagyan mo ng kulay? “Yap! Yes!”

Ah, kasi naman painter ako, eh. “Ahhh… Hihihi!”

Ilang taon ka na? “25 years old.”

Ah, malapit na. Hahahah! Wala pang nagpapatibok ng puso mo? “Wala pa.”

Pero marami namang nanliligaw sa ‘yo? “Nagpapahaging-haging siguro, pero hindi eh, hindi talaga eh, hihihi.”

Pero, may mga artistang kilala na nagpa-pahaging? “Ah, ‘wag na! Tapos na, eh! Pero ngayon talaga, wala eh. Wala sa utak ko ngayon ‘yan.”

Ah, career lang muna? “Oo, at saka darating naman ‘yan sa panahon ni God. Perfect timing lang. Hindi ka dapat nagmamadali, hindi ka naghahanap.”

Sa bagay totoo naman ‘yun, kusa naman ‘yun na dadalhin sa ‘yo.

Parang sinabi, saan ba ito nanggaling. Pero sa bandang huli, nakangiting nagpaalam si Rachelle. Sana magpatuloy ang mga alagad ng musika katulad ni Rachelle nang walang sagabal sa kanilang daan tungo sa lalo pang masaganang tagumpay. At sa larangan ng walang katapusang pag-ibig sa musika sa buhay ng tao.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For e-mail: [email protected], [email protected], cp 09301457621 


ni Master Orobia

Previous articleAnong uso?
Next articleKinakarir

No posts to display