PARA KAY Rachel Anne Go, isang memorable experience ang makapag-perform with Lea Salonga sa 35th anniversary concert nitong Playlist na ginanap sa PICC Plenary Hall.
“Nakakakaba!” aniya nga. “Grabe talaga! First time ko siyang maka-duet talaga. And sa concert pa niya. Nakakatakot magkamali! Hahaha! Alam mo, iyon ang ikinatatakot ko. Pero in-enjoy ko na lang ‘yong performance. Parang, ‘di ba, hindi ko alam kung kailan pa mauulit ‘yon?
“So, grabe. Sobrang saya. Hindi ako makapaniwala talaga na magkakaroon ako ng gano’ng chance. Kaya I’m very thankful. Tapos ‘yong director pa, si Direk Bobby Garcia. Na siya ang nagdirek ng Miss Saigon dito sa Manila, eh. So, parang nakaka… hindi ko ma-explain. Basta ang sarap lang ng feeling. Ibang klase.”
Si Lea ang kauna-unahang nagbida sa Broadway musical na Miss Saigon. Si Rachel naman ang pinalad na mapiling gumanap bilang Gigi Van Tranh na second lead character ng nasabing play na muling magkakaroon ng panibagong produksiyon at pagtatanghal sa London.
May mga advice ba at tips na naibigay si Lea kay Rachelle Anne?
“Paulit-ulit niyang sinasabi… just enjoy London. At saka ‘yong concern ko, kasi alam naman niya ‘yong costume,” pagtukoy niya sa costume ng character ni Gigi na napaka-sexy at revealing.
“At ‘yong sinabi nga niya… it’s not really about the costume. Sabi niya… the moment you open your mouth, the people will not remember what you’re wearing. Sabi niya… it’s your voice. Tapos sabi ko… hmmm, okay. I feel better now!” sabay tawa niya ulit. Pero ayon, ang dami niyang tips na ibinibigay sa akin. So, nakakatuwa.”
Ano ang preparations na ginagawa niya ngayon for Miss Saigon?
“Ang ginagawa ko talaga… pinakikinggan ko everyday ‘yong music. Emotionally… ang hirap, eh. Ayokong mag-prepare kung ano ‘yong emotion na ibibigay ko. Kasi kapag masyado nang nakabisado ng sistema ko ‘yon, tapos ‘yong director, ‘di ba… may mga kailangan akong sundin? Mahirap baliin ‘yong mga nakakasanayan ko. So, ngayon ‘yong music… pina-familiarize ko lang ‘yong sarili ko do’n sa music. And, ah… do’n na lang. Pakikinggan ko na lang kung ano ang iutos sa akin ng director. Anim yata kaming Pilipino na kasama sa cast ng Miss Saigon ngayon. So, nakakatuwa. Exciting na… buti hindi lang ako ang Pinoy, ‘no? At least may makakausap din ako ng Tagalog do’n! Hahaha! So, ‘yon!”
Ang kanyang pamilya, very proud daw kaugnay ng pagkakasali niya sa bagong cast ng Miss Saigon.
“‘Yong parents ko, siyempre sobrang happy. Sila ‘yong unang nakaalam. Hindi ko naman naramdaman na natakot sila para sa akin. Bilang mag-isa ako do’n. And mukhang excited sila na dumalaw rin. Kasi manonood din sila sa akin.
“Ang opening po namin ay May. Tapos ‘yong start po ng rehearsal namin… March 10. March to April ‘yong rehearsal. Tapos sa May 3 po ‘yong opening.
“Sobrang bilis na lang!” ng panahong ipaghihintay ang ibig niyang sabihin. “Kaya ninanamnam ko na ‘yong mga moments ko rito. Hahaha! Ngayong Christmas nga, gusto kong may gawin with my family. Kasi next Christmas, wala ako. So, hindi ko alam. Basta gusto ko, kasama ko lang sila.”
May plano siyang magbakasyon with her family this Holiday Season?
“Wala pa, eh. Sabi ko, kahit saan, basta magkakasama kami. Iyon lang ang importante do’n,” panghuling nasabi ni Rachelle.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan