ABOT LEEG daw ang nerbiyos, tensiyon, at excitement ni Rachelle Ann Go para sa kanyang solo concert tonight (October 26, Friday) entitled R.A.G: Rise Against Gravity, sa Music Museum, Greenhills, San Juan.
“Personal concert” nga kasi kung i-describe ni Rachelle Ann ang kanyang concert na ito – ang mga taong ginugol niya sa music industry mula pa noong nag-win siya as champion sa Search for a Star ng idol niyang si Regine Velasquez.
Ang nakakatuwa, dreams do really come true, dahil kung dati’y iniidolo at pinapanood lang ni Rachelle si Regine, kasama na niya ngayon ang Songbird sa said concert tonight, at makikipag-biritan siya rito, huh!
Hindi lang si Regine ang special guests ni Rachelle, kundi pati na sina Sarah Geronimo and Christian Bautista – na mind you, like Regine, eh, hindi nag-ask ng talent fees sina Sarah and Christian.
Si Sarah, bilang pareho silang under Viva Artists Agency at si Christian naman bilang matindi ang pinagsamahan nila in the past ni Rachelle.
Tensiyonada si Rachelle dahil first time niya ring pasukin ang pagiging concert producer, na naglabas ng sariling pera, ang pagtutok sa production details, rehearsals, etc.
Basta ang say niya, worth naman daw lahat ng pagod dahil espesyal ang show na ito for her, with the variety of songs na babanatan ng singer – ballads, upbeat, etc.
Ang sarap abangan ng duet nina Rachelle-Sarah at Rachelle-Regine (kung tuloy), let’s see if magpapatalbugan sila!
For tickets, tumawag lang sa Music Museum (721-0635) at sa Ticketworld (891-999) or log on sa website www.ticketworld.com.ph.
BONGGACIOUS ANG dalawang upcoming digital film festivals sa Pinoy movie industry ngayong Nobyembre, dahil halos magkasabay ang kani-kanilang opening date, at talagang magpapang-abot sila ng run ng kanilang mga pelikula.
Ito ay ang 14th Cinemanila International Film Festival with Direk Tikoy Aguiluz as festival head, at ang Cinema One Originals 2012 ng ABS-CBN.
Bongga rin ang opening films – Supremo for Cinemanila (starring Alfred Vargas as Andres Bonifacio, directed by Richard Somes) sa Market! Market! Cinema sa Bonifacio Global City sa Taguig. This will be on Nov. 27.
On November 30, Bonifacio Day, ay may premiere night din si Alfred for Bonifacio biofilm sa SM Megamall Cinema, kaya perfect ang timing.
Oro, Plata, Mata (restored or high-definition version) naman ang opening film of Cinema One Originals on Nov. 28, venue to be confirmed, either Shangri-la Cinema or Robinsons Galleria.
Isang classic Filipino film ang Oro, Plata, Mata (1982) ni Direk Peque Gallaga, kaya bonggang abangan ang HD version nito, courtesy of ABS-CBN Archives.
Ayon kay Ronald Arguelles, Cinema One Channel Head, pati na ang Himala (1982 rin) ni Ishmael Bernal, starring Ms. Nora Aunor – na may HD version rin, ay naka-sked ding ipalabas sa Cinema One week!
First week of December, may bonggang series of book launch din ang Himala coffee table book na sinulat ni Ricky Lee. More on this on our next columns.
For feedback, e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro