IBA SI Rafael Rosell sa mga artista na nakasasalamuha ko sa ilang dekada ko na sa showbiz. Iba siya o kakaiba dahil iba ang klase ng pamumuhay niya. Iba siya dahil iba ang paniniwala niya. Iba siya dahil hindi siya ‘yong karaniwan na sunud-sunuran o makikigaya dahil ‘yun kasi ang uso, ‘yun kasi ang trending, ‘ika nga.
Halos pareho kami ng paniniwala ni Rafael na nakausap namin last Tuesday sa contract signing ng Obra ni Juan, kung saan nag-renew siya ng kontrata as celebrity model-endorser sa isyu ng kaguluhan na naganap noong Friday the 13th sa Paris, France na karamihan sa mga kababayan nating nakipagsabayan sa “Pray for Paris” social media campaign, reason kung bakit nagpalit sila ng tri-color na kulay ng bandila ng France sa mga face pix nila sa FB, Twitter, at Instagram na hindi alam ang tunay at mas malalim na ugat ng kaliwa’t kanan pambobomba sa Lebanon, Syria, etc. ng Amerika at mga bansang kaalyado nito. Hindi lang ito isyu ng US Imperialism.
Usapin din ito sa pangangamkam ng natural na yaman ng isang mahirap na bansa, lingid sa kaalaman ng marami. Remember Afghanistan and Vietnam? Sino ba ang nag-finance sa anti-Russia war ng mga Afghan kundi ang Amerika? ‘Di nga ba’t sila ang nag-finance ng mga Taliban para magapi at mapalayas ang mga Russian? Sa tunggalian ng North and South Vietnam na nang matalo ng North ang South, iniwanan ng mga Amerikano ang mga taga-South during the late 60’s na giyera. Ikaw na bumabasa nito ngayon, nagpalit ka rin ba ng face pic mo sa tatlong kulay ng bandila ng France. Basta ako I stand sa kampanya ng STOP LUMAD KILLINGS. Sa bansa ko maraming isyu na dapat ko munang unahin.
Kaya nga nang mabasa niya ang Instagram posting namin tungkol sa opinyon namin sa gaya-gaya, puto-maya ng ilang mga Pinoy sa pagpapalit nila sa tri-color base sa bandila ng France, nag-reply si Rafael at ang sabi: “It was an honor to have sit down with you, I wish your opinion would be heard and that people will wake up. Thanx for the awesome conversation (kanina). It was an honor to have you present sa official contract signin namin with Obra ni Juan.”
Aside from usaping political, may hugot at emote din si Rafael. Mahirap talaga kapag taga-showbiz ka at ang kapareha mo or girlfriend ay hindi. Ang ending, maghihiwalay kayo lalo pa’t hindi maiintindihan ng ka-partner mo ang klase ng trabaho mo.
Sa kaso ni Rafael, nanghihinayang siya na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng girlfriend niya na si Olivia Medina na isang fashion model. Sa katunayan, hindi namin ini-expect na mauuwi sa wala ang pagmamahalan nila. Dahil sa trabaho ni Rafael (hindi maiiwasan na may mga kissing scenes siya sa mga kaparehang mga babae sa mga teleserye na kinabibilangan niya), si Olivia nagseselos. Nagiging isyu ito sa kanilang dalawa.
Kaso hindi lahat ng ka-partner natin sa buhay ay maiintindihan ang trabaho natin kaya mauuwi rin sa wala ang akala ni Rafael ay makakasama niya si Olivia nang mas matagal pa.
“It’s almost six months,” na kuwento ng aktor sa amin na magkahiwalay sila. Para maka-move on na ang aktor sa relasyon nila ni Olivia, ang mga intimate photos nilang dalawa sa kanyang Instagram at Facebook ay dinilete na niya. Yes, there is life after Olivia.
Kaya nga kahit zero ang kanyang lovelife, focus muna ang binata sa kanyang bagong teleserye sa GMA Kapuso Network na “Because of You” with Carla Abellana and Gabby Concepcion na itong November na magsisimula nang ipalabas.
“Life goes on. Aside from the serye, busy rin ako sa iba kong mga activities ko. I support a local community sa Tanay, Rizal,” kuwento ni Rafael sa nabanggit na renewal of contract, kung saan very passionate ang aktor sa pagpo-promote lalo pa’t gawang Pinoy ang mga damit na “Very Rafael Rosell” style. “Let’s support local para makapagbigay tayo ng work sa mga kababayan natin,” sabi nito.
Reyted K
By RK VillaCorta