SI RAFAEL Rosell, artista ng Second Chances ng Kapuso Network at celebrity endorser ng Obra ni Juan clothing brand. Sa ilang panahon ng pananatili ko sa showbiz, napagtanto ko na isa si Rafael sa mga artista na smart at gusto ko.
Hindi lang role niya sa mga projects niya ang p’wede n’yong pag-usapan. Masasakyan niya at naiintindihan ang mga usaping Clean Living; New Age; ang paghithit ng Marijuana; ang kuweto niya tungkol sa kanyang pagiging Vegan; ang mundo natin at ang responsibilidad natin kay Mother Earth; at ang hangin na nilalanghap natin na lason sa ating katawan.
Yes, naiintindin ko si Rafael. Iba kasi siya. Hindi lang guwapo. Smart siya at mabibilang mo lang sila sa showbiz. ‘Yun nga lang, dahil iba na ang isilo ng pamumuhay niya (almost five years na), weird ang tingin ng iba sa kanya.
Sa ganang akin, may kanya-kanya tayong istilo kung papaano natin gustong mabuhay. Si Rafael, napagtanto niya na clean living is the best at walang ibang option. Back to basic. Go organic, ‘ika nga.
Kaya nga sa mga dati niyang mga kaibigan, hindi nila masakyan kung minsan ang aktor kung bakit ayaw niyang kumain ng karne, dinuguan at kung anu-ano pa. Kahit isda sa dagat, ayaw na niya.
“For the past five years, I only got sick of fever once,” kuwento niya sa akin. Ang pagiging “vegan” ay lifestyle na you only eat vegetables. No fish, no meat. Even eggs or by-products ng hayop like milk, butter, etc. Sa showbiz, alam ko kapag nagkaroon ng chance na makapagusap sila ni Chin Chin Gutierrez, sigurado akong magkakasakayan sila.
Having a clean lifestyle is cool para sa akin. Kung pwede nga lang at madali lang sana ang magpaka-“back to basic”, ang sarap sana ng buhay. Kaso mahirap din.
Sa kanyang IG account, nasusundan ko ang mga thoughts ni Rafael na pino-post niya. Even his physical exercises like yoga, itinatawid niya sa mga social media followers niya in his own little ways to share what clean living is.
After our short tsikahan, very positive ang vibes kay Rafael. Gusto ko.
Reyted K
By RK VillaCorta