PARA sa aktor na si Rafael Rosell, pabor siyang gawing ligal ang Marijuana sa bansa na bukod sa mas mura kumpara sa ibang gamot, napakarami na ang napagaling nito kabilang na ang kanyang ina at kapatid na may mga karamdaman.
Ayon kay Rafael, kapwa may karamdaman ang ina at kapatid niya na naninirahan sa Norway, pero mula nang gumamit ng Marijuana o Cannabis oil ay naging maayos na ang kanilang kalagayan.
Sa pahayag ng aktor, handa siya sakaling may kumuha sa kanya bilang spokesperson tungkol sa mga kabutihang naidudulot ng Marijuana sa katawan bilang gamot. Suportado raw niya ito kung sakaling magiging legal ito sa ating bansa.
Ani Rafael, “I will be the spokesperson if someone asks me. Yes, I will. I will bring ‘yung grupo ko, ‘yung PCCS, Philippine Compassionate Canabis Society. I will bring them, ang dami naming testimonies.
“May mga bata na may epilepsy na up to 50 to 200 hundred seizures a day, naging twice na lang a month dahil sa oil (Cannabis).
“Every year, dumarami kami nang dumarami and I think it’s just right na the Filipino people will get to know the benefits of this plant dahil ang mura niya.”
Dugtong pa niya,”For my family’s sake, naging patunay kami na malaking tulong ito o benifts ang gamot na Marijuana. Dito lang naman sa ‘Pinas ang hindi allowed ang ganitong uri ng plants.”