BIG DEAL ba ang paglipat ng aktor na si Rafael Rosell from Kapamilya Network to Kapuso Network?
Is he a big star para i super-drumbeat?
I don’t think so. He is just one of the fillers para maging tagasuporta nina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez and Dennis Trillo.
Nagtataka naman kami kung bakit nag-lipat bakod ang aktor gayong mukhang okey naman ang career niya sa ABS-CBN.
Habang aktibo ang careers ng mga nabanggit na mga male stars sa kuwadra ng GMA-7, Rafael will always be the second lead. Bet?
MUKHANG MALALIM ang tampo ni Mamu Andrew (de Real) sa kaibigan na si Allan K.
Nang gamitin ng komedyante ang script at idea ni Mamu, ang longest running gag & skit na Nura at Velma sa anniversary presentation ng Eat Bulaga the other Saturday; doon nagsimula ang gap ng dalawang magkaibigan.
Simple lang ang isyu, hindi man lang nagpaalam si AK kay Andrew para hiramin nito ang ideya.
I still remember na isa kami sa mga small time producers noon ng Nura at Velma ni AK at Leonard Obal noong early years ng The Library.
I still remember noon, nag-uumpisa pa lang si Allan noon at ang The Library na pag-aari ni Mamu ay maliit lang noon at wala pa 20-25 ang seating capacity.
Kapag SRO ang mga locally-produced, written at dinidirek ni Mamu na mga shows nu’n sa The Library, asahan mo na umaapaw ang mga tao sa labas na gustong mapanood.
Dahil sa napabalitang gap nilang magkaibigan, kinumusta namin kay Mamu si AK at kung nagkausap na ba sila.
Say ni Andrew: “Hindi naman makikipag-usap ‘yun. He will never admit his mistake. Ang sa akin lang naman, p’wede namang magpaalam nang maayos. Dami ko nang pinalampas, pero iba na ‘to. Sa mga interview, sasabihin niya, siya nagpauso ng primetime shows. Eh, idea ko ‘yun para maiba siya sa Punchline. Hayyyss. ‘Yun ‘yung time na ‘di niya alam kung pa’no magbubukas ng Klownz (along Quezon Ave. infront of Delta Theater – now TV5 Studio).”
Para kay Andrew, respeto lang. ‘Yun lang ang hinihingi niya at i-acknowledge na ang gags at stand-up sketches ni Allan K ay mula sa idea niya.
Sa pamamagitan ng isa ring komedyante na current researcher at crowd director ng Eat Bulaga na si Philip Lazaro, ito ang humingi ng dipensa sa nangyari.
Not even EB asked Andrew or nagpaalam na ang Nura at Velma niya ay gagamitin sa palabas.
Kung saan hahantog ang gap ng dalawa, malalaman na lang natin sa nalalapit na panahon ay ‘yun kung si AK ay hihingi ng personal apology kay Andrew at mag-public acknowledgement na mula sa kanya ang mga ideya.
May binitawang paalala si Mamu Andrew for Allan K: “Someday, he would realize na kung anumang dinaanan niya pataas, ‘yun din ang dadaanan niya pababa. Friends are more important than fame.” ‘Yun na!
Reyted K
By RK VillaCorta