STRANDED SA NEW York si Rafael Rosell sa huling araw niya roon kaugnay ng shooting para sa In My Life. Gumaganap sila ni Nikki Valdez bilang mag-asawang namuhay sa New York na siyang tutulong kay Vilma Santos para makapaghanap ito ng hanapbuhay roon.
Aburido si Raf sa mga huling araw ng stay niya sa New York that time dahil nataon ito sa pagkaka-carnap ng sasakyan niya at ang mga carnapper ay napatay pa ang isang bystander na nagtangka lang namang tumulong sa driver niya.
Gustung-gusto na niyang umuwi, pero hindi nga pupuwede dahil commitment niya ang pagkakasali sa nabanggit na pelikula ng Star Cinema. Sa huling araw niya roon, mag-isa niyang nilibot ang NY para mawala ang tension niya, pero ang nangyari, akala niya’y makababalik siya sa hotel na tinutuluyan nila sa paglalakad lang.
Sa madaling salita, naligaw si Raf. First time kasi niya sa NY at mag-isa lang siyang naglibot noong huling araw niya. Dumoble ang tensiyong nararamdaman niya dahil 5 P.M. na ay naghahanap pa siya ng taxi dahil nga naligaw na siya, e, 10 P.M. ang lipad ng eroplano pabalik sa Manila.
Mabuti na lang, marami pa rin daw matitinong taxi drivers sa NY at ang isang na-meet niya, nagmagandang-loob na ihatid siya nang maayos sa hotel na tinutuluyan nila, at saka lang siya nakauwi. Nagkakandarapa siyang mag-empake para makarating ng airport.
Despite a few hassles, worth everything ang experience ni Raf dahil nakatrabaho niya si Vilma Santos. Medyo nahirapan si Raf sa role niya sa puntong kailangang mayroon itong thick NY accent, which took him quite a time para mapag-aralan.
Very supportive si Ate Vi kay Raf sa eksenang ‘yun na kailangang mai-deliver ni Raf nang tama, lalo na’t nag-e-expect si Direk Olive Lamasan from him. Pero, nakuha naman ni Raf ‘yun at talagang very encouraging ang response ni Ate Vi sa nagawa ni Raf para sa eksenang ‘yun.
Other showbiz news by Archie de Calma: Ruffa Gutierrez at Kris Aquino, nagreact sa ginawa ni Roxanne Guinoo
Calm Ever
Archie de Calma