ISANG CONSULTANCY COMPANY ang nilapitan ko para magpatulong sa processing ng application ko para sa US Visa. Ngunit sinabihan po ako na magbabayad ako ng kabuuang halagang P500,000.00. Dahil despe-rado ako sa US Visa, nag-down ako ng P250,000.00 matapos mangako sila na walang sablay ang aking application at tiyak daw po na magkakaroon ako ng US Visa.
Sa araw ng interview ko, sasamahan daw nila ako sa US Embassy at ipapakilala sa akin ang isang taga-DFA na tutulong sa akin. Kaya maaga pa’y nagkita na kami sa Starbucks sa tapat ng US Embassy. Doon nga’y ipinakilala sa akin ang isang lalaki na may kasamang babaeng may pangalang Atty. Villanueva. Taga-DFA raw ang abugada.
Ganito ang paliwanag nila: Ikinuha raw ako ng abugada ng isang endorsement mula sa Secretary of Foreign Affairs na siyang titiyak sa pag-iisyu sa akin ng Visa. Hindi ko naman po nakita ang endorsement na sinasabi niya hanggang pumasok na ako sa loob ng embassy. Doo’y nag-iisa lang akong na-interview.
Wala pong nangyari sa a-king application. Denied po ang visa ko. Ayaw na po nilang ibalik ang perang ibinayad ko.
Puwede po ba akong magpatulong sa imbestigasyon ng raket na ito sa DFA? — Anna ng Maragondon, Cavite
TUMAWAG NA AKO sa DFA. Hinanap ko ang sinasabi mong Atty. Villanueva mismo sa Office of the Secretary. Wala raw ganu’ng pangalan doon. Itinuro ako sa Office of the Protocol. At doo’y merong Atty. Villanueva pero ikinakaila niya na tumutulong siya sa pag-expedite ng visa. Nakausap ko roon ang isang nagngangalang Rico Foz na diumano’y kakilala ko raw.
Ang mabuti pa’y samahan kita sa DFA at magharap kayo ni Atty. Villa-nueva at sabihin mo sa akin kung siya ang nakita mo sa embassy. At saka tayo gagawa ng kaukulang aksyon.
Iyan ang nakakalungkot sa mga ahensiya natin ng gobyerno. Sinasamantala nila ang krisis para kumita.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo