OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Yes na yes at mapapa-chikka ka na naman to the maximum authority of chikka. At siyempre kahit kakatapos lang ng long weekend, akala n’yo mapagpapahuli ako sa chikka?
Naku, ‘teh, ang tagal ko bago mag react sa isyu ng aking alagang si Ram Revilla, at hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-getover sa kanya dahil sa eksenang nangyari.
Bago kasi ang insidenteng ‘yun, nakausap ko pa si Ram, four (4) days before mangyari ang krimen, at shock na shock talaga ako dahil paggising ko, ayun agad ang nakita ko sa balita, at hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang pinatay, binaril at pinagsasaksak mismo sa loob ng bahay niya si Ram sa BF Homes Parañaque, kasama niya ang GF niya.
At take note, nakausap ko siya 4 days ago at siya mismo ang tumawag sa akin para ibalita nga niyang tuloy raw ang project niya this December, at ako pa ang kukunin niyang emcee. Maglilibot kami sa Imus, Cavite in preparation sa 2013 elections, dahil tatakbo siya bilang vice mayor.
Dapat noong 2010 pa siya mismo tumakbong vice mayor. Tumawag sa akin ang mommy niyang si Mommy Genelyn, na hindi matutuloy, sa 2013 na lang daw. Kaya si Ram ang tumawag sa akin this time, dahil busy ang mommy niya, dahil sasamahan ng mommy niya ang brother niya, mag-e-enrol sa Baguio. Kaya ang sagot ko kay Ram, pag-usapan namin ‘yun sa birthday ko sa Nov. 22, dahil alam ko namang taun-taon, lagi siyang nagpupunta sa b-day ko.
Kaya lang ngayon, hindi talaga ako makapaniwala dahil nakapabait talaga ng batang ‘yan.
AT HETO NAMAN ang bonggang chikka na talaga namang nakakalungkot din, dahil nanghihinyang talaga ako sa batang ito na si Mark Tanjanlangit na pamangkin ni Jed Madela.
Natutuwa ako sa kanya dahil pinilit niya pa ang kanyang mommy na makita niya si Tita Swarding. Maghihinayang ako sa kanya kasi ang dami niya nang naging project sa ABS-CBN, naging isa siya sa mga cast ng Noah, nag-MMK, at lumabas na si Wansapanataym.
Bakit ba hindi siya nabigyan ng chance na magkaroon ng malaking proyekto? Kaya sana naman, kaya ko isinulat ‘to ay tuwang-tuwa ako sa kanya at napakagaling niyang sumagot nu’ng in-interview ko siya sa programa ko at napakatalino. Sayang na sayang kaya dapat suportahan natin siya, dahil hindi lang naman ang malakas ang backer ang dapat sumikat. Dahil kitang-kita ko talaga sa batang ito ang potential. Bongga, ‘di ba?
AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipinagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding