OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka! At maloloka ka talaga sa Earth sa mga eksena to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly….
Siyempre as usual, magbibigay lang ako ng update sa mga nalalaman ko, at sa mga ichi-chikka ko ay may pinagkukuhanan at ‘di gawa-gawang chikka lang at para may sabi lang.
Ito pa lang si Ram Revilla ay talagang may balak tumakbo sa pulitika. Gaya nga ng nai-chikka ko sa inyo noon, 4 days before ay tumawag siya sa akin at talagang magpapatulong siya sa akin.
Meron na talagang sign na pumayag na nga ang kanyang ama at talagang meron din naman siyang pundar at may pag-asa talagang manalo siya. ‘Yun kasing mga ikinampanya niya na mga barangay chairman ay nanalo at siyempre babawi naman sa kanya ang mga ‘yun, kaya may eksena talagang mananalo siya.
Kaya lang, bumalik tayo sa isyu na kung may kinalaman ba talaga ang pamilya ni Ram at pamiya ni Sen. Bong? For sure, wala talagang kinalaman ang both sides, dahil malapit talaga sila sa akin.
Pero nu’ng dumalaw ang kanyang lola kay Ramon Joseph, ang nakakalokang eksena na ichinikka sa akin ng ating kaparazzi ay magkahawak nga sila ng kamay at hinawakan niya ang kamay ng lola niya na napakahigpit at sinabi ni Ramon Joseph na wala talaga siyang kinalaman. At pati ‘yung mga kasamahan ni Ramon Joseph sa preso ay napaiyak at nagsigawan na hindi sila naniniwala dahil mabait daw si Ramon Joseph sa loob. Kaya hindi raw kapani-paniwala ang mga ibinibintang sa kanila.
Ang mga kapatid naman ni Ramgen ay nakakaawa dahil karamihan ay hindi na nakakapasok sa school dahil sa mga nangyari. Ang nagpatuloy lang sa pag-aaral ay ang kapatid niyang pumapasok sa PMA.
Nakakaawa naman talaga ang pamilya nila Ram. Isinusulat ko ‘to ay para masabi ko lang ang nalalaman ko, hindi ‘yung tipong isinusulat lang para may masabi lang. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga ibig nilang sabihan na parang pati sila ay binabayaran.
Naku, kaya ko rin pala ito naisulat ay napanaginipan ko nga itong si Ram na sinasabi sa akin na huwag nga raw akong magtulug-tulugan, na gumising nga raw ako. Siguro, nasa isip pa rin n’ya na ako lang ang hindi natatapalan ng pera, magsabi lang ng hindi totoo.
Tumanda po ako sa showbiz industry na talaga namang nagsasabi ako ng mga nalalaman ko at walang bahid na kabayaran po. Kung ano ang gusto kong sabihin, sasabihin ko dahil ito po ang aking trabaho. At nasasaktan talaga ako para sa pamilya ni Ram dahil para ko na rin siyang anak na noon pa man, lagi siyang humingi ng tulong sa akin.
Kaya Ram, kung nasaan ka man, prayers lang ang katapat natin at walang imposible sa dasal, lalabas din ang katotohanan kung sino talaga ang dapat maparusahan sa gumawa sa ‘yo niyan…. Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding